Direktor ng Oh Mando, Pamilya Ordinaryo, Fuccbois gumawa ng ‘wholesome’ serye sa Net 25
GUMAWA ng wholesome TV series si Direk Eduardo Roy, Jr. sa NET 25, “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” na mapapanood na simula sa Nob. 28, Sabado, 8 p.m. produced ng Eagle Broadcasting na nagdiriwang ng 52 years ngayon.
Kaya namin nabanggit na wholesome ay dahil ang layo ng kuwento ng serye nina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann sa mga nagawa nang proyekto ni direk Eduardo tulad ng digital series na “Oh Mando” (sa iWant TFC), mga pelikulang “Quick Change,” “Pamilya Ordinaryo”, “Last Fool Show”, “Fuccbois” at “Lola Igna.”
Kaya sa launching ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” na ginanap sa INC Museum nitong Martes, ay hindi naiwasang tanungin si direk Eduardo kung ano ang dahilan at napaoo siya sa wholesome project na ito.
“He is stepping an alien territory. Ibang milieu kasi ang melodrama. Ang gusto ko kasi kapag tumatanggap ako ng project ay ‘yung gagawa ako ng isang material na hindi ko pa nagawa. Hindi ka lang dapat basta sugod nang sugod. As a filmmaker, you must choose your battles in the cinematic universe,” paliwanag ng batang direktor.
Base sa teaser ng “ADKI” ay para kaming nanonood ng mga lumang pelikula o soap opera noong araw. Bukod pa sa luma rin ang setting ay ito rin pala ang napansin ng mga katotong dumalo sa launching na baka hindi masakyan ng millennials.
Ang sagot ng direktor, “Ang universal message ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ay tungkol sa pag-ibig, wala na sigurong luluma at babago roon kaya siguro timely at classic nga pero nai-tackle pa rin ang pag-ibig in a modern times.
“At pinili naming ikuwento sa gitna ng pandemya kung paano magmahalan at ma-resolve ang unfinished business sa gitna ng pandemya na kinakaharap natin ngayon.”
Sundot na tanong ay mga magulang ba ang target audience ng serye Ang director ng sales and marketing ng Eagle Broadcasting na si Kapatid na Caesar Vallejos ang sumagot.
“NET 25 is if course caters for the whole family. So with the whole family, we wanted to address the target markets that’s why if you’re watching NET 25, we also have NET 25 kids program.
“Also, we would want to tap the millennials also catering that with our talent search competitions, so the talent search competition does not only catered to specific mature audiences but could be the younger market,” sagot niya.
Nabanggit din na marami pa silang programang ilo-launch na puwede sa mature at millennial markets na hindi palang puwedeng pag-usapan dahil may sariling presscon iyon.
Paano iniba ni direk Eduardo ang kuwento ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” dahil may kasabihan ngang wala ng orihinal na istorya ngayon, depende ito kung paano mo ito ikukuwento sa manonood.
“Ang kwentong binuo, ang director ang vision niya sa mga issue tulad ng kahirapaan, old age, daring and promiscuity, at pag-ibig. Ang maganda sa paggawa ng pelikula o TV drama ay ‘yung idea na parang tumatalon ka sa cliff at hindi mo alam kung may sasalo sa iyo.
“Pag maraming risks, mas malaki ang nadarama kong challenge as a director. Mas inspired ako sa trabaho ko,” pahayag ng direktor.
Ang series nina Geoff at Ynna ang unang romantic show na produced ng EBC na kinunan sa Las Casas Filipinas de Acuzar na para kay direk Eduardo ay 10 beses na mas maganda kaysa sa Vigan, Ilocos Sur.
Samantala, ang tuwa ni direk Eduardo dahil si Ynna ang bida sa serye bagay na karapat-dapat dahil mahusay na artista ang dalaga.
Aniya, “Natutuwa ako na nabigyan ng break si Ynna kasi she is a good actress. When you first see her, akala mo wala lang. But there is something about her that grows on you.”
At ang masasabi naman niya kay Geoff, “Dahil maraming TV drama experience si Geoff kaya alam niya ang proper blocking, marking. Alam hanapin ang kayang ilaw. And there was a scene na may actor’s cue kami supposedly pero wala on cue pero umiiyak na siya.
“Nararamdaman ko ang kilig sa kanilang dalawa. Alam mong they were portraying Reina and Roman for real. They were emotionally invested sa characters kaya captured ng camera yung kilig at chemistry,” sabi pa ni Direk.
Makakasama rin dito sina Tanya Gomez, Richard Quan, Adrian AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, Shiela Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Manolo Silayan, Myrna Tinio, Jellex David at Elizabeth Oropesa mula sa panulat ni Bing Castro-Villanueva under the supervision of director/writer Nestor Malgapo, Jr..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.