Pagbiyahe ni Catriona sa ibang bansa kahit may kalamidad sa Pinas sinita ng netizen | Bandera

Pagbiyahe ni Catriona sa ibang bansa kahit may kalamidad sa Pinas sinita ng netizen

Ervin Santiago - November 13, 2020 - 01:04 PM


KINUWESTIYON ng isang netizen ang pagbiyahe ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa ibang bansa habang binabagyo ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kahapon.

Sa halip daw kasi na tulungan ang mga kababayan niyang nasalanta ng Bagyong Ulysses na nagdulot na malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit-probinsya ay nagtungo pa ito sa Colombia.

Nag-post ang beauty queen ng litrato sa kanyang Instagram kung saan ipinaalam nga niya sa madlang pipol na maayos siyang nakarating sa Colombia. Isa siya sa mga magdya-judge ng gaganaping Miss Universe Colombia.

Ilang IG followers ng dalaga ang nag-congratulate sa kanya at nagsabi pang mag-ingat habang naroon. Ngunit isang netizen nga ang nagkomento ng negatibo tungkol dito.

“Cat, why are you in Colombia instead of helping your own province deal with the typhoon?

“I have always been [a] fan but especially with traveling during a pandemic? What example does taking this job send to everyone?” paninita nito kay Catriona.

Ito naman ang reply sa kanya ng girlfriend ni Sam Milby, “[This] invitation was extended months ago and even though I’m away, I’ve been doing my part in working with @philredcross since the day of the typhoon to provide aid and relief to the affected areas. Thanks for your concern.”

Bilang patunay sa sinabi ni Catriona, may mga litrato at video na ipinost sa social media kung saan nakiisa ang dalaga sa rescue at relief efforts ng Philippine Red Cross sa mga nasalanta ni Ulysses.

Sa isang video message na nasa Instagram, nanawagan din si Catriona na patuloy na magbigay ng donasyon para sa mga nabiktima ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa.

“These families have lost so much and worry for the safety and health of themselves, their loved ones, and their kababayans,” aniya.

Nabatid din na bukod sa pagiging hurado sa Miss Universe Colombia 2020, may gagawin pang charity project doon si Catriona para sa timutulungan niyang Smile Train, isang international charity organization na tumutulong sa mga batang may cleft lips.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending