Ynna Asistio naghintay ng 14 years bago bumida sa serye: Ngayon lang ako nabigyan ng lead role | Bandera

Ynna Asistio naghintay ng 14 years bago bumida sa serye: Ngayon lang ako nabigyan ng lead role

Ervin Santiago - November 13, 2020 - 12:05 PM


AFTER 14 years sa mundo ng showbiz, sa wakas bibida na si Ynna Asistio sa isang teleserye kung saan makakatambal niya si Geoff Eigenmann.

Sila ang napili para gampanan ang mga karakter nina Romer del Mundo at Reina Dimayuga sa “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”, ang unang romance-drama series ng Net 25.
Mapapanood na ito ngayong Nobyembre, tuwing Sabado, 8 p.m. sa direksyon ni Eduardo Roy Jr., sa Net 25.

Ayon kay Ynna, talagang ipinagdasal niya ang proyektong ito at kahit nga may iba pang aktres na pinagpilian para sa nasabing role ay sa kanya pa rin ito napunta.

“Parang, it took a long time bago napunta sa akin itong project na ito. Kasi nga may nauna na (pinagpilian),” pahayag ni Ynna sa
presscon ng “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” recently.

“Pinag-pray ko. And I thanked kuya Anjo (Yllana) because if it wasn’t for him, I wouldn’t be here. Pinag-pray ko po talaga ito. Umabot ng halos two or three weeks bago na-finalize na ako na po ‘yung bida.

“Sabi ko nga po, 14 years sa industry na ‘to, first time kong naka-land ng lead role. And I’m very happy. And I thank Net 25 for this opportunity. I’m so excited,” sey pa ng anak ni Nadia Montenegro.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Ynna sa kauna-unahang serye na siya ang bida, “Isang malaking challenge ito sa aking buhay lalo’t sa tagal ko sa showbiz, ngayon lang ako nabigyan ng lead role.”

Tungkol naman sa tambalan nila ni Geoff,  “Napakagaan niyang katrabaho. As in, hindi ako nahirapan. ‘Yun ‘yung una ko pong worry na…hindi naman kasi kami close ni Geoff. So paano ‘yung pagwo-work namin? Pero ang sarap lang ng feeling na alam ninyo ‘yung wala po kaming wall.

“Kumbaga, kinilala namin ang isa’t isa. And naging madali na sa amin ang magtrabaho, kasi naging komportable po ako sa kanya, and at the same time, naging komportable siya sa akin. Kaya siguro nagawa rin namin nang maayos ‘yung trabaho namin, kasi sobrang professional po ‘yung partner ko,” lahad pa ng aktres.

Makakasama rin nina Geoff at Ynna sa “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” sina Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon,Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.

May special participation din sa seryeng ito ng Net 25 sina Elizabeth Oropesa, na gaganap bilang si Mayor Etta Almazan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya kung gusto n’yo namang makatikim ng ibang putahe sa TV, tutukan ang Net 25 weekly drama series na “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” every Saturday, 8 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending