Sosyal na banat ni Heart sa basher: Garlic is not good for the aswang…
SOSYAL na sosyal ang pambabasag ng Kapuso star na si Heart Evangelista sa isang basher na nagkomento ng kanegahan sa kanyang mga post.
Simple pero ang lakas ng dating ng naging resbak ng aktres at fashion icon sa isang Twitter user na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans at social media followers.
Ni-retweet ni Heart ang comment ng netizen na nagsabing tumataas daw ang kanyang presyon kapag binabasa ang mga ipino-post ng asawa ni Chiz Escudero.
“Sa tuwing nagpo-post si Heart Evangelista, naha-high blood ako. ‘Di ko alam kung bakit,” chika ng netizen.
Ito naman ang nakakalokang reply sa kanya ni Heart, “Garlic is good to take.”
Sinundan pa niya ito ng isang hirit na, “But garlic is not good for the aswang, so make sure to check blood type muna.”
Aliw naman ang followers ng Kapuso actress na naging banat nito sa basher. Ayon sa ilang nagkomento, gagayahin daw nila ang style ni Heart ng pagpatol sa mga haters — yung pang-asar na pero sosyalin pa rin ang effect.
In fairness, isa si Heart sa mga celebrities na talagang rumeresbak sa mga bully sa socmed. Natuto na siyang lumaban sa mga taong walang ginawa kundi laitin siya at hanapan ng kamalian.
Sa isang panayam inamin niyang biktima rin siya ng pambu-bully sa school, “I would eat my lunch by myself and I would have high school students go at me, while I was sitting alone on the bench.
“I’d walk the covered court and someone would throw a volleyball at me. They would put glue on my chair. It was really bad.
“Kaya rin ako nag-stop. Nag-home study ako kasi hindi ko na kayang kumain sa CR. Oo, kumakain ako sa CR. Hindi nila ako bet, lalo na ‘yung mga higher batch,” pagbabalik-tanaw pa ni Heart.
Isa sa mga natutunan niya sa buhay ay ang ipaglaban kung ano ang tama at totoo, “As long as you’re not doing anything to anyone, it’s okay.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.