Liza nag-sorry sa LizQuen fans; pinag-iisipan uli ang tunay na misyon sa buhay | Bandera

Liza nag-sorry sa LizQuen fans; pinag-iisipan uli ang tunay na misyon sa buhay

Ervin Santiago - November 11, 2020 - 09:47 AM

NAG-SORRY ang controversial Kapamilya star na si Liza Soberano sa kanyang fans at social media followers.

Nag-explain ang girlfriend ni Enrique Gil kung bakit halos isang buwan na siyang hindi aktibo sa pagpo-post ng mga kaganapan sa buhay niya pati na sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Liza, naglaan siya ng oras para sa kanyang sarili para pag-isipan ay magnilay-nilay patungkol sa sinasabi niyang “mission in life.”

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi niya sa madlang pipol ang nararamdaman niya ngayon matapos ang ilang kontrobersyang kinasangkutan nitong mga nagdaang buwan.

“Hi everyone! Sorry I’ve been MIA (missing in action) for a while. Just savoring the time I have with the people most special to me,” simulang tweet ni Liza.

Dagdag pa ng aktres, “But I do constantly have all of you at the back of my mind and I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this past month.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, nasa Amerika ngayon ang dalaga para dalawin at tumulong sa pag-aalaga sa kanyang lola na may sakit.

Patuloy na mensahe ng dalaga sa mga taong walang sawa ang pagsuporta at pagmamahal sa kanya, totoong nakakapagod at nakaka-stress ang mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang araw.

“It’s honestly been a very trying time for me and I wanted to express how I was feeling with all of you but it was just too soon for me.

“I needed to take a break and think about life, my goals and what I think my mission is in life,” paliwanag pa ni Liza.

Kung matatandaan, napagdiskitahan ng isang military official si Liza at binalaan sa pakikiisa nito sa mga ipinaglalaban at proyekto ng women’s rights group na Gabriela.

Ito’y matapos nga siyang makibahagi sa virtual talk na in-organize ng mga kabataang miyembro ng Gabriela para magbigay ng mensahe hinggil sa pang-aabuso sa mga kababaihan.

Naging national issue pa ito kasabay ng pagre-red tag sa iba pang female celebrities tulad nina Catriona Gray at Angel Locsin na parehong itinanggi ang akusasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa nga sa kontrobersyang ito at sa pagkakasakit ng kanyang lola, nauna nang pinroblema ni Liza ang pagpapasara sa ABS-CBN na naging ugat ng pagkansela sa teleserye nila ni Enrique na “Make It With You”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending