Mommy Pinty muling nakasama si Toni matapos makipaglaban sa COVID-19
MAKALIPAS ang ilang linggo, nakita at nakasama na muli ni Toni Gonzaga ang kanyang inang si Mommy Pinty.
Matagal-tagal ding hindi nakadalaw ang TV host-actress sa bahay ng kanyang mga magulang matapos ngang tamaan ng COVID-19 ang mga ito.
Bukod kina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, nahawa rin ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, ang boyfriend nitong si Mikee Morada at ang iba pa nilang kasama sa bahay.
Hinintay pa ni Toni na gumaling ang kanyang pamilya bago uli niya nadalaw ang mga ito, partikular na ang kanyang nanay.
Mismong ang magulang na raw ni Toni ang nagpayo sa kanya na huwag na munang pumunta sa bahay nila para masigurong hindi siya mahahawa lalo pa’t bata pa ang anak nila ni Paul Soriano na si Seve.
Sa kanyang Instagram page, nag-post ang TV host ng litrato nila ni Mommy Pinty na may caption na, “Reunited with mommy Pinty! Missed you! Grateful for their good health and safety always.”
Last month, ibinalita ni Alex sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel ang pagkalat ng virus sa kanilang bahay at makalipas nga ang ilang araw na self-quarantine nagtagumpay sila sa paglaban sa killer virus.
“We survived COVID. We really have to be extra, extra, extra, careful. And that’s why I am showing you this to let you know that you can survive COVID, kaya niyo, huwag kayong mag-panic and if ever naman na hindi niyo na kakayin, you consult your doctors.
“As much as possible you have to really take care of your body and boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay,” pahayag ni Alex sa kanyang vlog.
In-explain din niya kung paano sila nahawa ng COVID sa isang kasama nila sa bahay na lumabas para bumili ng pagkain. Aniya, posibleng dito nag-start ang hawahan sa kanilang pamilya.
“Meron po tinatawag na contact tracing. Kakauwi ko lang galing Nueva Ecija shoot at kakatapos lang swab namin at nag-negative ako.
“May una lumabas ang symptoms at lahat kausap niya after three days lumabas symptoms. Ako since asymptomatic mommy Pinty sa kanya ako nahawa,” sabi pa ni Alex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.