Pasahero sa jeep wagi ng P1M sa Pera o Kahon; cast ng 'Lost Recipe' sasabak na sa lock-in taping | Bandera

Pasahero sa jeep wagi ng P1M sa Pera o Kahon; cast ng ‘Lost Recipe’ sasabak na sa lock-in taping

Ervin Santiago |November 11,2020
facebook
share this

Pasahero sa jeep wagi ng P1M sa Pera o Kahon; cast ng ‘Lost Recipe’ sasabak na sa lock-in taping

Ervin Santiago - November 11, 2020 - 09:22 AM

WAGI ng P1 million ang isang pasahero ng jeepney matapos tawagan ni Willie Revillame para sa “Pera O Kahon” ng “Wowowin”.

Habang bumibiyahe at sakay ng pampasaherong jeep ay maswerteng natawagan ng TV host-comedian si Rona Jane Juco para maglaro sa segment na “Pera o Kahon”.

Pauwi na si Rona na taga-San Fernando, Pampanga, mula sa kanyang trabaho nang tawagan siya ni Willie.

Siyempre, tuwang-tuwa ito dahil siya ang napiling contestant para maglaro sa nasabing segment.

Halatang natataranta pa si Rona sa pagpili ng kahon kung saan naroon ang jackpot prize. Hanggang sa isang kahon na lamang ang natitira mula sa kanyang mga napagpilian.

Nang umabot na sa P300,000 ang alok ni Willie kapalit ng kahon ay mas lalo pang naguluhan ang contestant. Bihira nga kasing umabot sa ganu’ng halaga ang offer ng TV host.

Hanggang sa napababa na si Rona mula sa sinasakyan niyang jeep sa sobrang tensyon. Sina-suggest naman ni Willie sa kanya na kahon ang piliin kesa sa pera.

Nang umabot na sa P500,000 ang perang alok ng Kapuso comedian-host naging desidido na si Rona na piliin ang lalo pa’t ipinagpipilitan na ito sa kanya ni Kuya Will.

At nang banggitin na uli ni Rona ang mga katagang “kahon po,” agad na itong binuksan ni Willie na naglalaman nga ng P1 million.

* * *

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na “The Lost Recipe” para sa kanilang nalalapit na lock-in taping.

Nitong Nov. 8 ay nagsama-sama at nag-bonding ang ilang members ng cast kabilang na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Prince Clemente kasama si Chef Anton Amoncio.

Ang Food Hero Asia 2016 winner na si Chef Anton ang nagsisilbing consultant para sa naturang series at isa rin sa kanilang co-actors.

Sa Sunday bonding ng cast ay nagkaroon sila ng kitchen tour kung saan sila magti-taping. Sumabak din sila sa iba’t ibang cooking process at nag-observe sa location para paghandaan ang kanilang mga eksena.

Bago ang kanilang kitchen tour ay nagkaroon na rin ng kitchen training ang cast kasama sina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang naiibang kwento ng “The Lost Recipe” soon sa GMA News TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending