Bakit ayaw ni Kit Thompson na gumawa ng Boy’s Love series?
KUNTENTO na ba si Kit Thompson sa pagiging character actor?
“Well, I don’t think that way, I just enjoy doing different things na hindi ko pa na try dati. I think I get a rush of emotions every time its new.
“I don’t wanna do the same thing over and over again because mabo-bore ako or I won’t be that interested anymore so I always find something new everytime,” paliwanag ng aktor.
At kahit nag-click ngayon sa online platform ang BL o Boy’s Love series ay walang planong gumawa si Kit ng ganitong klaseng proyekto.
“Well the things is, I feel like ang daming lumabas na BL recently, I feel like it’s so crammed like 2020 (ngayong taon), ilang mga BL na ‘yung lumabas.
“I also don’t wanna join the bandwagon just so I can say I did? I want something really good and then think about what should I do whatever the offer is,” sabi pa ng binata.
Maraming nagkagusto kasama na kami sa diretsong sagot na ito ng aktor dahil sinasabi niya kung ano ang nararamdaman niya at kung ano ang nasa isip niya.
Noon pa talaga hindi showbiz sumagot si Kit kahit kailan namin siya mainterbyu kaya isa siya sa gusto naming artista sa showbiz.
Base naman sa mga nagawa nang proyekto ng aktor ay iba-iba nga ito tulad ng character niyang seryoso sa “Momol Nights” with Kim Molina, isang NBI agent at may problema sa ama sa seryeng “Sino Ang May Sala: Mea Culpa”, at nagkagusto sa babaeng halos tiyahin na niya sa kuwento ng pelikulang “Belle Douleur”.
Ngayon naman, siya ang magiging dahilan kung bakit magkakaroon ng gulo sa pagitan nina Erich Gonzales as Magdalena at Sofia Andres sa seryeng “La Vida Lena” na mapapanood na ngayong Nob. 14, sa iWant TFC mula sa Dreamscape Entertainment.
Pagdating sa lovelife ay seryosong magmahal si Kit kahit noong bata pa at matagal siyang makipagrelasyon. At higit sa lahat, hindi siya nabibighani sa ibang babae kapag taken na siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.