Wag ka masyadong lalapit, Papa P! May COVID pa at baka matunaw ako…
TULAD ng kanyang naipangako, nag-donate nga si Piolo Pascual ng 200 bisikleta para sa adbokasiya ng grupo ni Gretchen Ho ngayong panahon ng pandemya.
Siguradong maraming matutulungan ang mga ibinigay na bike ng TV host-actor sa #DonateABikeSaveAJob campaign na pinasimulan nga nina Gretchen simula nang magkaroon ng health crisis sa bansa.
Ipinost ng TV host sa kanyang Instagram account ang mga litrato nila ni Piolo kasama ang ibinigay nitong mga bike para sa mga kababayan nating patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nagbiro pa nga si Gretchen sa unang bahagi ng caption niya sa ibinandera niyang IG photos.
“Huwag ka masyadong lalapit, Papa P! May COVID pa!! At.. Baka matunaw ako.
“Parang eksena lang sa pelikula…Kasama ang bida sa totoong buhay.. Maraming, maraming salamat kay Piolo Pascual sa pagdonate ng 200 bikes sa #DonateABikeSaveAJob!!!
“Dahil sa kanyang pagiging siklista, alam ni @piolo_pascual ang halaga ng isang bisikleta. Kaya naman, simula Day 1, siya na ang isa sa mga unang nagpledge na magdonate sa bike drive na ito.
“Galing pa siyang Batangas nung linggo, pero talagang sinadya niya kami sa QC Circle. Maraming salamat sa iyong suporta sa aming adbokasiya. Proud to be sharing the same mission with you.
“We awarded the first 100 Bikes, Helmets and Vests to SHAREA community app applicants from all over Metro Manila, in partnership with ABS-CBN’s SHAREA.
“Special announcement today. We will award the next 100 bikes to those affected by #RollyPH from METRO NAGA in the coming weeks.
“Napakalayo ng mararating, literally and figuratively, ng iyong donasyon. Maraming salamat @piolo_pascual!! Mabuhay ka!” ang buong pahayag ni Gretchen.
Bukod kay Papa P, nakapagbigay na rin ng mga bisikleta sa #DonateABikeSaveAJob campaign sina Catriona Gray, Sam Milby at Zanjoe Marudo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.