Resbak ni Korina sa troll: Baket ampanget mo? Dahil ba panget din parents mo? | Bandera

Resbak ni Korina sa troll: Baket ampanget mo? Dahil ba panget din parents mo?

Ervin Santiago |November 10,2020
facebook
share this

Resbak ni Korina sa troll: Baket ampanget mo? Dahil ba panget din parents mo?

Ervin Santiago - November 10, 2020 - 10:26 AM

TULAD ng inaasahan, niresbakan na naman ni Korina Sanchez ang mga netizens na nambasag sa pagbati niya kina U.S. President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris.

Isa-isang sinagot ng veteran broadcast journalist ang mga bashers na nagkomento sa kanyang post tungkol sa naganap na eleksyon sa Amerika.

Sabi ni Korina sa kanyang Instagram post kung saan makikita sina Biden at Harris na nakataas ang mga kamay, “A new day in America. A new day in the world. Welcome back.”

Hati naman ang naging reaksyon ng mga IG followers ni Korina tungkol dito, may sumang-ayon sa mensahe ni Ate Koring pero may mga kumontra rin dito lalo na ang mga tagasuporta ni Donald Trump.

Ang hirit ni Korina, may kanya-kanyang opinyon ang mga tao sa isyung ito kaya ang magic word lang dito ay “respeto”. Hindi raw kailangang mangnega ng kapwa para lang maibandera ang iyong paniniwala sa buong universe.

Hirit ng isang netizen, ano raw ba ang alam ni Korina sa buhay ng mga tao sa US, “And you don’t even live here so what do you know about our lives here.”

Reply sa kanya ng TV host, “Ah eh the whole world has an opinion about how Trump conducts himself. That is his undoing. You can’t stop opinions so please learn to respect.”

Ito naman ang sey ng isang IG user, “Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?”

Ang mataray at palabang bwelta sa kanya ni Korina, “Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?”

“Korina this is the start of the darkest time in America, we are entitled to our opinion but please be sensitive to other people,” chika naman ng isa pang netizen.

Resbak sa kanya ng broadcaster, “Well then you be sensitive to mine too right?”

Sinagot din niya ang nagkomento ng, “Obviously you don’t know this man Korina.” Sey ng misis ni former Sen. Mar Roxas, “Uhhh, Ayoko kay Trump. Let’s just respect each other’s choices shall we?”

May nagsabi rin sa kanya ng, “Wag na lang kayo mag comment kung hindi kayo nakatira dito sa US. Alamin nyo ang agenda ng Democrats and Republicans. Alamin nyo rin ang accomplishments ni Trump, Biden, Pence and Harris ano po? Yon lang.”

Ito naman ang panunupalpal sa kanya ni Koring, “Ah hindi po ako BOBO. Yan ang gusto ko respetuhin mo din noh! Please leave. BRUHA KA.”

May follower naman si Korina na nagsabing iba talaga kapag pumatol siya sa mga trolls at haters, “Si ate koring talaga ang maldita sa mga bashers nya, ayaw patalo!!!! I love you talaga ms. koring!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hay ambabastos eh,” reaksyon pa ng TV host-news anchor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending