3 rehiyon, balak isailalim sa state of calamity ni Pangulong Duterte - Palasyo | Bandera

3 rehiyon, balak isailalim sa state of calamity ni Pangulong Duterte – Palasyo

Bandera at Radyo Inquirer - , November 09, 2020 - 04:36 PM

Malaki ang posibilidad na magdeklara ng state of calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bicol region, MIMAROPA at CALABARZON.

Pahayag ito ng Palasyo matapos irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang tatlong rehiyon dahil sa lawak ng pinsala ng nagdaang bagyong Rolly.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ‘most likely’ na sasang-ayunan ng Pangulo ang rekomendasyon ng NDRRMC.

Pero sa ngayon, mas makabubuting hintayin na lang muna ang ilalabas na papel ng Office of the President.

“Most likely po pero ‘antayin na natin iyong papel mismo na manggagaling sa tanggapan ng Presidente,” pahayag ni Roque.

Base sa talaan ng NDRRMC, aabot sa P11 bilyong halaga ng imprastrsktura at agrikultura ang nasira ng bagyong Rolly.

22 katao ang iniwang patay ng Bagyong Rolly na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa taong 2020 sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending