Pinay skin expert sa US napiling judge sa Miss Universe Chile 2020
MAY isang Filipina skin specialist at successful businesswoman sa Amerika ang gumagawa ngayon ng sarili niyang pangalan sa larangan ng pagpapaganda.
Ang tinutukoy namin ay ang California-based skin expert na si Olivia Quido-Co, ang CEO at founder ng O Skin Med Spa. Isa siyang top-rated esthetician, entrepreneur, women’s advocate at Christian philanthropist.
Hindi lang mga Pinoy celebrities ang nagtitiwala sa kanyang expertise kundi maging ang ilang Hollywood stars kabilang na ang music icon na si Patty Austin, Danah Cleaton at Shanty Lowry.
Ilan naman sa mga local stars na sumusuporta sa kanya ay sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Claudine Barretto, Venus Raj, Shamcey Supsup, Pia Wurtzbach at iba pang Pinay beauty queens.
Nakachikahan namin si Olivia o mas kilala sa tawag na Ms. O kahapon sa pamamagitan ng virtual mediacon mula sa California, USA. Dito nga niya naikuwento ang naging struggle niya sa pagsisimula ng O Skin Med Spa at ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
Nag-start ang lahat noong 2003 sa Cerritos with $1,500 initial investment, “Parang dumaan ako sa butas ng karayom dito sa America kasi the FDA (Food and Drug Administration) has very stringent standards before my skin formulation was approved.
“Ang gusto ko rin kasi ayaw kong gumawa ng adobo at sinigang na masarap o ok lang. Dapat talagang masarap!” diin pa ni Ms. O.
Noong 2011, ni-launch niya ang sariling skin care line na agad bumenta nang bonggang-bongga, lalo na ang kanilang 24-karat-gold infused products under “The Secret Collection.” Ito yung mga produkto na napakabilis ng effect sa mukha ng mga gagamit.
Mas naging mabenta pa ang kanyang products and services nang maaprubahan ng FDA ang kanyang skin formulation for doctors’ use.
Dito na nga siya nakilala hanggang sa naimbitahan na nga sa red carpet ng 46th Emmy Award Academy para sa Emmy Lounge Gifting Suite for stars, producers, media outlets and influencers.
Last year lang, napili ang kanyang kumpanya bilang official skin care ng Miss Universe na ginanap sa Atlanta, Georgia. Bukod dito, sila rin ang official skin care provider para sa Miss Universe USA 2020 at Miss Teen USA 2020.
At sa darating naman na Nov. 20, isa siya sa magiging judge sa Miss Universe Chile partikular sa evening gown showcase at no make-up skin preliminary competition.
“I am honored and humbled to judge Miss Universe Chile 2020 alongside Miss Universe Gabriela Isler and other personalities.
“Hindi ko talaga ine-expect dahil I only prayed that our beauty products be known globally,” pahayag ni Ms. O.
Isa sa mga mapapanalunang special prize sa pageant ay ang “Miss O” award for best skin.
“I want to see natural beauty. Kasi ngayon madali nang magpa-enhance, although I don’t have anything against it. It’s everyone’s prerogative. But for me, mas maganda nakikita yung gandang original,” aniya pa.
Gandang-ganda si Ms. O sa mga Pinay Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na kahit wala raw make-up ay lutang na lutang ang natural beauty, “Nakaka-in love talaga ang mukha nila.”
Sa mga female youngstars naman, gustong i-share ni Ms. O ang kanilang skin care program kina Julia Barretto, Heart Evangelista at sa Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na idol daw niya pagdating sa pag-arte.
Kung may isang beauty tip naman na gusto niyang ibigay sa lahat yan ay ang, “Hindi ka pwedeng matulog nang hindi naghuhugas ng mukha.”
At isa pa sa sikreto ng tagumpay ni Ms. O ay ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Patuloy din niyang ibinibigay sa Simbahan ang bahagi ng kanyang kinikita bilang panata sa ibinigay na tagumpay sa kanya ni Lord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.