Ronnie sinita ng PNP-HPG sa paggamit ng ‘Phil Media’ plate: You know, we commit mistakes…
SINITA at naimbitahan sa opisina ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang singer-actor na si Ronnie Liang.
Pinara ng operatiba ng PNP-HPG ang sasakyan ni Ronnie dahil sa takip sa kanyang plate number na isang traffic violation, pati na rin ang gamit niyang plaka na may nakasulat na “PHIL MEDIA”.
Ayon sa ulat, “ipina-impound” muna ng PNP-HPG ang sasakyan ng singer habang bine-verify ang mga detalye hinggil dito.
Nagkuwento naman si Ronnie tungkol dito sa pamamagitan ng Facebook kung saan ipinaliwanag niya kung bakit meron special plate number.
“As far as I am concerned and as far as I remember, I was given a permission na gumamit ng media plate.
“Alam po ninyo, ilang years ko na siyang ginagamit and wala pong sumita sa akin about that.
“So, nitong enhanced community quarantine, ito pa rin po ang ginagamit kong plate and marami po akong checkpoints na dinaanan, pumapasok din po ako sa iba’t ibang kampo ng ibang law enforcers natin and they did not approached me and hindi nila ako sinita when it comes to that.
“So, I was assuming na puwede until last Friday, November 6, at around 10 in the morning, sa may EDSA Greenhills, pinara po ako ng Highway Patrol Group, sinita po ako tungkol sa aking media plate.
“It was explained well naman. In-explain ko rin po ang side ko,” ang bahagi ng pahayag ng binata sa kanyang FB video.
Pagpapatuloy pa niya, “Para po sa inyong kaalaman, hindi siya in-impound. I was invited para i-check yung mga documents ko rin to verify yung mga dapat i-verify.
“After naman po noon pinaalis na ako kasama ang aking sasakyan.
“Doon po sa headquarters, in-explain po nila ang tamang paglagay ng special plate, kailangan hindi natatakpan ang original plate.
“Pwedeng yung special plate po natin ay nasa itaas o nasa ibaba as long as hindi natatakpan yung original plate natin.
“I stand corrected. You know, we commit mistakes, but what’s important to that is we learn from that mistakes,” ang maliwanag na pagpapaliwanag ni Ronnie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.