Marvin, Jolina gustung-gusto uling magsama sa pelikula pero…
“NALUNGKOT talaga ako,” ang pag-amin ni Jolina Magdangal matapos malamang hindi na matutuloy ang reunion movie nila ni Marvin Agustin.
Kasabay nito, nilinaw ni Marvin na dahil sa pag-back out niya sa project kaya nagdesisyon ang producer ng pelikula na hindi na muna ito gawin.
“Actually ang nasabi ko nga lang diyan, sa mga ganitong panahon, hindi natin puwedeng madaliin ang project.
“Ang importante sa amin ni Labtim (tawag niya kay Jolina) ay gustung-gusto talaga namin gumawa ng project,” paliwanag ng aktor nang mag-guest sa “Maganadang Buhay,” para sa selebrasyon ng ika-42 kaarawan ni Jolens.
Patuloy pang depensa ni Marvin, “Gusto namin, hindi lang para sa sarili namin kung hindi para roon sa mga humahanga at gusto kaming mapanood ulit. Pero I think the right project will come.”
“Huwag silang mag-alala. Ang dahilan ng hindi pagkakatuloy ay hindi dahil hindi namin gusto. Gusto namin mas magandang project,” esplika pa ng aktor.
Pagsang-ayon naman ni Jolina, “Correct. Saka lagi kaming nag-uusap. Sabi ko nga umoo ako roon sa project nung una pa lang kasi si Marvin ‘yon. So kung hindi rin makikita na hindi pa puwede ituloy ay okay lang sa akin.”
“Siyempre nalungkot ako kasi nag-look forward na kaming dalawa. Nag-uusap kami lagi.
“Tapos nangyari, napagkasunduan namin na sige huwag na rin nating madaliin kasi sa panahon ngayon, talagang alam mo na pinapanood ‘yung quality,” dugtong ng actress-TV host.
Siniguro naman ng dating magka-loveteam sa kanilang mga loyal fans na darating din ang tamang panahon na makagagawa uli sila ng pelikula.
Sumikat nang bonggang-bongga ang tambalang Jolina-Marvin noong dekada ’90 at isa nga sa mga pelikula nilang nagmarka sa madlang pipol at talagang tumabo sa takilya at ang “Labs Kita… Okey Ka Lang?” noong 1998.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.