Cristy Fermin sobrang galit kay Kris dahil ayaw makasama sa show si Mr. Fu: Hindi s'ya ka-level | Bandera

Cristy Fermin sobrang galit kay Kris dahil ayaw makasama sa show si Mr. Fu: Hindi s’ya ka-level

Reggee Bonoan - November 07, 2020 - 03:16 PM

Aminado ang talent manager na si Manay Lolit Solis na nagkulang siya ng latag kay ‘Nay Cristy Fermin kaya sobrang galit nito kay Kris Aquino na tinalakay niya sa kanyang “Cristy Per Minute” program sa Radyo Singko 92.3 News FM nitong Huwebes.

Base sa pahayag ng kilalang manunulat at host ay galit siya dahil sa pagtanggi ni Kris na makasama sa online show nila si Mr. Fu.

Kay Manay Lolit Solis nagpadala ng mensahe si Kris na ayaw niya kay Mr. Fu dahil hindi nila ka-level. Ipinarating naman ito ng una kay ‘Nay Cristy. At dahil nagalit, pakiwari ng talent manager ay nagkulang siya ng latag.

Parte sa post ni Manay Lolit sa kanyang IG account, “Sana maayos sila Cristy at Kris, hindi lang siguro naging ayos ang naging latag ko kaya medyo nagtampo si Cristy. Life is too short para isarado mga pinto at bintana with finality. Basta take things one at a time, huwag masyado seryoso. Life goes on.”

Narito ang buong post ni Manay Lolit.

“I owe this to Kris Aquino. Nalungkot ako na para bang galit na galit si Cristy at halos maiyak sa radyo kahapon dahil nga sa feeling niya, 2nd time na nagawa ni Kris ang ilaglag ang kasama namin, first, si Wendel Alvarez, now, si Mr. Fu. Hindi ko alam kung paano ang naging ataki kay Cristy ng paliwanag ko na hindi comfortable si Kris kay Mr Fu kaya may grace period muna siya na 4 na episode.

“Noon Tuesday, ginawa pa namin running joke iyon , na trial lang si Mr Fu at hindi siya kilala ni Kris Aquino. Duon ko nga napatunayan kung gaano kataas iyon EQ ni Mr Fu dahil tanggap niya iyon sinabi ni Kris.

“Tawanan kami na naghiwalay ng Tuesday, dahil nga ayaw namin ng swabbing, at technical run. All was alright, hanggang tumawag si Salve na ayaw ng gawin ni Cristy ang talk show.

“I respect at hanga ako sa stand ni Cristy dahil tutoo naman balewala ang extra income kung hindi ka maligaya sa ginagawa at gagawin mo. Lahat tried to persuade Cristy dahil sa Sunday na ito, pero firm siya dahil nga sa medyo mabigat na feeling niya kay Kris.

“Ako tuloy ang medyo maguluhan, kasi tawa ng tawa si Mr Fu taking everything in stride, ako OK lang dahil nga feeling ko pinagbigyan naman lahat ng gusto namin so why not?

“Si Cristy ang medyo malungkot ako dahil nga baka hindi naging maganda ang latag ko sa case ni Mr Fu kaya ganuon naging galit niya.

“In fairness kay Kris, ang unang plano is for her to have a solo talk show, naisip niya lang na maganda na nanduon kami ni Cristy for the banters at repartee, at maganda naman explanation niya na hindi siya comfortable kay Mr Fu dahil hindi niya masyadong kilala.

“On my part, gusto ko naman malaman ng grupo ang lahat, para nga pagkatapos ng 4 ep at gusto ni Kris na kaming 3 na lang, alam din nila why. Ayaw ko lang na magkaruon ng ill feelings si Cristy kay Kris kung hindi masyado nakuha ang explanation ko, kasi, show lang iyan, hindi dapat pagmulan ng samaan ng loob.

“Kung hindi ngayon , baka someday, at sana huwag ng isipin victim si Mr Fu, dahil siya mismo pinagtatawanan ang mga pangyayari. Sana with or without this show mabalik iyon relasyon na hindi naman dapat apektado. Show lang iyan, huwag ng pagmulan ng tampuhan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Goodluck sa Sunday (November 8), Kris Aquino, watch namin iyan. Hah hah , masyado na ang naging drama. Dapat comedy lang. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

Pero dahil masama ang pakiramdam ni Kris ay hindi tuloy ang online show bukas, Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending