Mama Bob ni Angeline Quinto, pumanaw na | Bandera

Mama Bob ni Angeline Quinto, pumanaw na

Reggee Bonoan - November 07, 2020 - 12:01 PM

Screenshot mula sa Instagram ni Angeline Quinto

Pumanaw na nitong Biyernes ang adoptive mother ni Angeline Quinto na si Sylvia “Mama Bob” Quiros halos dalawang buwan matapos itong sumailalim sa maselang brain surgery.

Binawian ng buhay si Mama Bob sa ganap na 7: ng gabi sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Manila.

Sa Facebook post kaninang umaga ni Olive Zarate, kaibigan ng pamilya nina Angeline, sinabi niya, “Mami-miss ko ang mga makukulit mong video kapag nagmamasungit ka dahil niloloko ka ni Ange at ung palagi mong sinasasambit sa akin tuwing nagkikita tayo na ‘Ang ganda mo ngayon.’ Rest in Peace Mama Bob. Mami-miss ka namin @mommabobquinto.”

Noong Setyembre 10, naglambing si Mama Bob kay Angeline na mamili sila sa Tagaytay. Sa kasamaang-palad, hindi na man sila nakarating doon ay nakaramdam na ng pagkahilo at pagsusuka ang ina-inahan ni Angeline. Kaagad niya itong  itinakbo sa isang hospital sa Sta. Rosa sa Laguna kung saan  nakitang may namuong dugo sa kanyang utak na nangangailangan ng kagyat na operasyon.

Kaagad inilipat si Mama Bob sa Our Lady of Lourdes Hospital para roon isagawa ang operasyon noong ng araw ding iyon, base na rin sa post ng singer/actress sa kanyang Facebook account.

“Gusto kong kumatok sa mga puso niyo. Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko.  Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal. Nakikiusap po ako. isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo.

“Ito ang pinaka matinding pagsubok sa buhay ko.  Hindi mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko Kaya. Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sayo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko Ama,” ani Angge.

At sa muli naming paghingi ng update noon kay Angge ay nabanggit niyang matagumpay naman ang isinagawang operasyon.

Sabi sa amin noon ng dalaga,“Nagpapagaling pa po siya galing sa operasyon sa brain po.  Sana po magtuluy-tuloy po ang paglakas at paggaling ni Mama Bob.

“Sana po magising na siya ulit dahil mas madalas po tulog siya pero naididilat po ang mga mata minsan.  Sa awa po ng Panginoon.”

Sa ilang araw ni Mama Bob sa hospital ay walang tigil din ng pagpo-post si Angge ng mga larawan nila. Sinasabi niyang sobrang nami-miss na niya ang mga out of the country travels nila, mga kulitan at ang parati nilang pagkain na magkasama ng mga niluto nilang masasarap na pagkain.

Noong Nobyembre 4 pa ang huling post ni Angeline ng larawan nila ni Mama Bob. Sa larawan ay nasa Canada sila noong nakaraang taon sa parehong buwan.

Ang caption ng mga larawan nila, “Miss na miss na miss ko na ang pinaka-cute kong travel buddy. I love you very much, Mama Bob. #Canada2019.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang gaming pakikiramay sa pamilya ni Angeline mula sa Bandera.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending