Cristy Fermin, Lolit Solis umatras sa online talkshow ni Kris | Bandera

Cristy Fermin, Lolit Solis umatras sa online talkshow ni Kris

Reggee Bonoan - November 04, 2020 - 01:18 PM

KASUSULAT lang namin dito sa BANDERA kahapon ang tungkol sa project ni Kris Aquino na masisilayan ngayong Linggo, Nob. 8 pero tila may pagbabago na agad na magaganap.

Mukhang hindi na makakasama rito ni Kris sina Nay Lolit Solis at Nay Cristy Fermin base sa post ng talent manager sa kanyang Instagram account ngayong araw.

Ang binabanggit niya ay ang online talk show na pagsasamahan nila nina Kris, Mr. Fu at ‘Nay Cristy Fermin na mapapanood sa Linggo, pero ayon sa huli ay special project lang ito ng isang brand.

Si Kris ang main host at on the side sila para sa showbiz updates. Narito ang buong post ni ‘Nay Lolit.

“Ngayon ko napatunayan, iyon kasabihan ‘if it is not meant to be, it is not meant to be’. Iyon balak na pagsamahin kami nila Cristy at Mr. Fu with Kris Aquino sa isang talkshow nagsimula sa hitches, hanggang sa final decision namin tatlo na huwag nang gawin.

“Exciting nu’ng una ang idea, lalo pa nga at meron din soft spot sa puso namin ni Cristy si Kris. Exciting dahil sa daldal namin tatlo nila Kris at Cristy siguro ang ingay literally at in fairness, very juicy ang lahat ng lalabas sa mga bibig namin. But in the end, iyon na nga, may mga bagay hanggang sa huli the thin thread that bind the idea naputol.

“In fairness, kahit na may attitude si Kris, mas mukhang mas matigas ang ulo namin ni Cristy. Nuon una kasi ayaw sana ni Kris kasama si Mr. Fu dahil idea niya 3 babae lang, pero pumayag din siya magkaruon ng trial period at tignan kung mag blend sa amin si Mr Fu.

“Pangalawa, iyon technical run, pangatlo iyon swabbing. Lahat ng ginusto namin, ibinigay na, ok na sana, ng bigla naka-feel ng hindi comfortable si Cristy na magkaruon ng trial period si Mr Fu.

“So Cristy decided not to do it. I will not do it pag hindi kasama sila Cristy at Mr Fu. Pag hindi kasama sila Gorgy at Salve, as a group we are responsible for each other, one for all, all for one.

“Iyon ang bonding na naganap sa amin sa Take It Per Minute Me Ganon. Hindi naman iyon hindi na kami puwede maka trabaho ng iba, hindi naman iyon dapat kaming 3 ang kunin, or dapat buong team kami, NO, ipokrita naman kami if we say it that way.

“Iyon lang nuon ilatag kasi ang plano at sabihin sa amin, magkasama kaming 3, so ayaw namin na may ilaglag na isa sa amin. OK, mataas naman ang EQ factor namin at tanggap namin na iba-iba kaming talent, or ranking, or level, pero iyon alam na namin na magkasama kami, tapos meron palang isa na hindi masyado feel ni Kris, parang iyon ang hindi natanggap ng grupo.

“We are happy sa biruan namin barya ang TF, at ngayon pandemic, isang malaking grasya ang ibibigay sa amin talent fee ng bagong talk show sana, pero iyon saya at enjoyment na nadarama namin every Tuesday together, iyon camaraderie, parang compensated na iyon barya lang na TF. No regrets.

“No regrets, maluwag sa loob na hindi matuloy ang sana ay pagsasama namin 3 nila Kris Aquino at Cristy Fermin. Honestly, Mr. Fu is worth the bullet, masaya siya kasama sa trabaho, alam niya ang lugar niya, team player siya, very sharp at pleasant.

“Sayang at hindi natikman o nakita ni Kris ang mga qualities na iyon ni Mr Fu. Sayang at hindi niya nakita how happy we are working together. The only regret for giving up this show, we could have given our followers the top of the line enjoyment in watching us having repartee with each other.

“For now, let it go. No regrets. If it is not meant to be, no matter how hard you push, walang mangyayari. Saka siguro, talagang ayaw ng mga angels ko for me to work on a Sunday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya iyan ang tunay na kuwento, bakit hindi na kami kasali sa Sunday talk show ni Kris Aquino. Basta all the best Kris, kaya mo iyan, FIGHTING. Saranghae and goodluck to your show. Promise, watch ko iyan, exciting iyan for sure. Love you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending