Bangkay ng lalaki na inanod ng baha sa Ibaan, Batangas natagpuan ng PCG | Bandera

Bangkay ng lalaki na inanod ng baha sa Ibaan, Batangas natagpuan ng PCG

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - November 03, 2020 - 02:57 PM

Patuloy pa rin ang search and rescue o retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nawawalang residente sa Batangas.

Ito ay dulot pa rin ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon sa PCG, natagpuan ng kanilang team ang bangkay ng isang lalaki sa bayan ng Ibaan, araw ng Lunes (November 2).

Inanod ang biktima ng rumaragasang baha sakay ng kaniyang motor habang binabagtas ang kalsada sa naturang bayan noong November 1.

Ligtas naman ang asawa nito na nakasakay rin sa motor nang maganap ang insidente.

Sa ngayon, nagsagawa muli ng operasyon ang PCG, katuwang ang Coast Guard K9 Force, para hanapin ang isang 23-anyos lalaki na tinangay din ng baha sa probinsya. ( wakas )

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending