Glaiza, Allen nangamba para sa mga pamilyang binagyo sa Baler at Camarines Sur | Bandera

Glaiza, Allen nangamba para sa mga pamilyang binagyo sa Baler at Camarines Sur

Ervin Santiago - November 03, 2020 - 12:28 PM

INATAKE rin ng matinding kaba at pag-aalala ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Allen Ansay matapos bayuhin ng Bagyong Rolly ang Camarines Sur at Aurora Province.

Ayon kay Allen, apektado ang kanyang pamilya sa Sagñay, Camarines Sur na isa sa mga nakaranas ng bagsik ni Rolly nitong nagdaang weekend.

Kahapon, sinabi ng Kapuso young actor sa panayam ng GMA na hindi pa niya nako-contact ang pamilya mula nang manalasa ang bagyo.

“Grabe talaga ‘yung lakas ng bagyo kasi last na tawag sa amin ni Mama, nu’ng Sabado bago pumasok ‘yung bagyong Rolly.

“Nag-signal number 4 sa amin. Tapos ang huling tawag sa amin ni Mama, sobrang lakas ng hangin tapos biglang napuputol ‘yung signal hanggang sa hindi na naming ma-contact si Mama,” banggit ng binata.

Aniya pa, “Nakakaba kasi lahat ng pamilya ko nandu’n. Nandu’n ‘yung mga lola ko, mga pinsan ko.”

Samantala, abot-abot din ang pangamba ni Glaiza de Castro para sa kanyang mga magulang nang bagyuhin din ang Baler, Aurora.

Nakabalik na kasi ng Manila ang dalaga kaya ang parents na lang niya ang nasa Baler ngayon.

“Every now and then nagse-send kami ng message sa kanila. Nu’ng nabalitaan namin na strongest typhoon itong paparating, siyempre nag-aalala,” sabi ng Kapuso actress.

Aniya pa, okay naman daw ngayon ang mga magulang pati na ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay.

“Si nanay at si tatay kumbaga parang panatag naman sila na okey sila do’n, na may mga makakasama naman sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May mga friends kami du’n, kapitbahay,” chika pa ni Glaiza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending