Vicki Belo kumasa sa 'isaw' at 'adidas' challenge: Pagod na ko, nakaka-stress 'to | Bandera

Vicki Belo kumasa sa ‘isaw’ at ‘adidas’ challenge: Pagod na ko, nakaka-stress ‘to

Ervin Santiago |November 03,2020
facebook
share this

Vicki Belo kumasa sa ‘isaw’ at ‘adidas’ challenge: Pagod na ko, nakaka-stress ‘to

Ervin Santiago - November 03, 2020 - 11:40 AM

NA-STRESS at napagod si Vicki Belo matapos sumabak sa isang street food challenge with celebrity couple Jason Francisco and Melai Cantiveros.

Kumasa ang asawa ni Hayden Kho sa hamon nina Melai at Jason na kumain ng iba’t ibang klase ng street food at ilarawan sa kanila kung ano ang lasa ng mga ito.

Dumalaw ang tambalang Melason sa bahay ng kilalang dermatologist at nagdala ng squid ball, kikiam, kwek-kwek, adidas, betamax (inihaw na dugo ng manok), isaw at balot.

Isa-isang tinikman ni Vicki ang inihain nina Melai at kineri naman niya ang penoy, fishball at squidball, nasarapan pa nga siya sa sawsawan nito.

Pero ang reaksyon naman niya nang malasahan ang isaw, “Ano ‘to? Ang bitter. Ano ‘yun?” tanong ni Vicki.

Sagot ni Melai sa kanya, “’Yun ang mga nakain (ng manok)!”

Hirit naman ni Jason, “The bitter the better.”

Sey uli ni Vicki, “Parang may ibang weird eh. ‘Yung isa okay.”

Dagdag pa niya pagkatapos kainin ang isaw, “Pagod na ako. Nakaka-stress ‘to,” kaya nagtawanan na sina Melai at Jason.

Nang sabihan na siya ng mag-asawa na ang susunod niyang lalafangin ay ang adidas (paa ng manok) ay hindi na talaga kinaya ng powers niya.

“Ayoko. This looks really scary. I really cannot do this. I’m sorry,” natatawang pahayag ng celebrity doctor.

Dito na umeksena si Hayden na ayon kay Vicki ay matagal nang kumakain ng street food kaya naman alam na alam na nito ang tawag at lasa ng mga dalang pagkain ng Melason.

Advice ni Hayden sa kanyang misis sa pagkain ng chicken feet, “Imadyinin mo na lang na kinakamot ‘yung dila mo.

“Parang lenggua lang ‘yan eh, habang nilalasahan mo, nilalasahan ka rin,” biro ni Hayden na ikinahagalpak din nina Melai at Jason.

Samantala, bukod sa street food challenge, game na game ring sumabak sina Vicki at Hayden sa “Who’s Most Likely” challenge.

Nabuking ng madlang pipol ang ilan sa mga “sikreto” ng mag-asawa lalo na sa mga tanong kung sino ang unang nangangalabit, ang mas pikon at ang madalas makalimot sa mga special occasion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito, naikuwento rin nina Hayden at Jason ang ginawa nilang pagtatanggol sa kanilang mga asawa mula sa mga taong naninira sa mga ito. As in nakipag-away daw talaga si Jason nang may manglait kay Melai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending