Napakasakit na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko
NAKIUSAP si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa publiko na tigilan na ang “victim shaming” sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.
Siguradong apektado na ang beauty queen-actress sa matinding bangayan ng kanyang kapatid na si Sarah at ng inang si Cheryl Alonzo Tandall.
Matapos magsalita ang kanyang nanay patungkol kay Sarah sa pamamagitan ng vlog nito sa YouTube, si Pia naman ang nagbigay ng mensahe para sa madlang pipol na nanghuhusga at nanglalait sa kanilang pamilya.
Sa kanyang Instagram page, nanawagan ang dalaga na maging maingat at responsable sa pagpo-post ng komento tungkol kay Sarah dahil nga may pinagdaraanan ito ngayon.
Kasabay nito, nakiusap din si Pia na ipagdasal ang kanilang pamilya para matapos na ang problemang kinakaharap nila at magbalik na sa normal ang lahat.
Sa litratong ipinost ng aktres kung saan kasama niya ang kanyang nanay, kapatid at mga pamangkin kay Sarah, ito ang inilagay niyang caption: “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online.
“This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.
“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming.
“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.
“Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.
“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing.
“Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po.”
Nauna nang itinanggi ni Cheryl na may ginawa siyang masama kay Sarah tulad ng mga akusasyon nito sa kanya.
“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina. Huwag niyo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko iyong aking mga anak.
“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that.
“I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal,” sabi pa ng nanay nina Pia at Sarah.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.