Winwyn sa matinding military training: Walang shortcut, walang kaartehan…totoo lang
“IISA lang ang goal namin, iisa lang ang purpose: To serve and to protect the people and to help in times of need.”
Sa nalalapit na pagtatapos ng military training ni Winwyn Marquez bilang Philippine Marines reservist, nag-post ng madamdaming mensahe ang dalaga at binalikan ang naging journey niya sa kampo ng militar.
Ipinost ng Kapuso actress-host sa Instagram ang litrato niya suot ang military uniform kalakip ang appreciation letter para sa kanyang batchmates at iba pang reservists na nagtagumpay sa pagte-training.
“So much respect for my batch and for everyone who went through this training,” ang caption ni Winwyn sa kanyang Instagram Story.
“Alam ko wala sa kalingkingan ang training na ‘to sa regular force (saludo ako sa inyo sa hirap ng ginagawa n’yo).”
“Pinush ng lahat para matapos kami nang sabay-sabay… Hindi ko ma-explain pinagdaanan namin. After ng field training, mixed emotions talaga ako pero I feel like a different person now — I feel stronger than ever.
“Mate-test ka talaga sa tatag mo… If only I can post all the photos and show all their faces dahil gusto ko ipagmalaki batch ko sa inyo,” aniya pa.
Sa kabila raw ng napakahirap na training sa loob ng kampo, nagawa pa rin nilang tapusin ang mga ito, “Walang shortcut, walang kaartehan, totoo lang.”
“May mga conflict, may iba’t ibang issues, pero sa ending, ‘di hinayaan masira ang morale ng lahat. Inayos at nagkaisa pa rin.
“Iisa lang ang goal namin, iisa lang ang purpose: To serve and to protect the people and to help in times of need.
“Since day 1, I was there, and I gave my all for my class, and I know everyone else did. Blood, sweat, and tears, and it was all worth it.
“Marines oorah! #PHMarineReserveForce #BCMC0120 #BCMCDAKILA #PHFleetMarine,” pahayag pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.