Sigaw ni Sandra Lemonon, hustisya: We are strong, we will voice out our truth!
“NASAAN na ang pasabog!?” Yan ang atat na atat na tanong ng mga netizens kay Miss Taguig Sandra Lemonon tungkol sa kontrobersyal na Miss Universe Philippines 2020 pageant.
Hanggang ngayon ay binabato ng masasakit na salita si Sandra sa social media dahil sa mga reklamo niya sa naganap na beauty pageant.
More than a week na kasi matapos koronahan si Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020 ay hindi pa rin nagsasalita si Sandra hinggil sa sinasabi niyang rebelasyon.
Tila pine-pressure na ng madlang pipol ang dalaga na pasabugin na ang mga nalalaman niya about the pageant at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.
Komento pa ng ilang netizens, baka raw wala naman siya talagang iri-reveal sa publiko at gusto lang niyang umeksena at gumawa ng ingay para magpasikat.
May mga nagpayo naman sa beauty queen na tigilan na ang pagpo-post ng mga cryptic message sa social media at idiretso na ang mga hinaing niya sa pamunuan ng Miss Universe Philippines Organization.
Ang sagot dito ni Sandra, “Who said I didn’t?” Meaning, naiparating na niya sa mga kinauukulan ang kanyang mga reklamo.
Sinagot din ng beauty queen ang mga followers niya sa Instagram na walang tigil sa pagpo-post ng hate comments laban sa kanya.
Aniya, alam niya kung ano ang ipinaglalaban niya at hindi lang ito para sa sarili niyang kapakanan.
“I can not control how people act in social media, what ever they choose to say they will have to deal with the repercussions of it soon.
“All I have ever been standing up for is for justice, for All of us ladies & for the next set of ladies who will join.
“All we want is a FAIR and good journey & I know we can achieve that.
“My goal is for us to be better in the pageant community,” paliwanag ni Sandra.
Isa namang tagasuporta ng dalaga ang nagsabing huwag na niyang patulan ang mga bashers at panindigan ang kanyang mga ipinaglalaban para hindi siya magmukhang bitter.
Reply sa kanya ni Sandra, “Don’t worry love, we are strong & we will voice out our truth. What we want is to have a healthy impact in the pageant community & actually use our VOICES.”
Bago ito, sinabi ni Sandra na sasabihin niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa tamang panahon.
“It’s all about timing. If it’s too soon, no one understands. If it’s too late, everyone’s forgotten,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.