Ice sa amang may cancer: Tinawag niya kaming lahat, handa na raw siya... | Bandera

Ice sa amang may cancer: Tinawag niya kaming lahat, handa na raw siya…

Ervin Santiago - October 31, 2020 - 10:55 AM


TANGGAP na ng pamilya ni Ice Seguerra na nalalapit na ang pamamaalam ng kanyang pinakamamahal na ama.

Kaya naman habang kasama pa nila ito ngayon ay talagang sinusulit nila ang bawat sandali para maiparamdam ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal.

Sa kanyang Instagram, nag-post ng mga black and white photos ng kanyang tatay si Ice na ilang buwan na ring nakikipaglaban sa prostate cancer.

Narito ang kabuuan ng madamdaming mensahe ng OPM icon para sa kanyang ama.

“My heart is full of love and joy in these moments I get to spend time with my dad. He is nearing the end of his life but it is a life well lived. He knows he is loved by his family and friends,” simulang pahayag ni Ice.

Patuloy niya, “Tinawag niya kaming lahat nung isang araw, handa na raw siya. He talked to all of us, with so much love and gratitude.

“Pagkatapos nun, ang sabi niya sa aming lahat, ‘masaya ako.’ At masaya rin kami dahil wala kaming ibang hangad kundi maramdaman niya ang kaligayahan. He deserves that,” lahad pa ng singer-actor.

Ayon pa kay Ice, sa gitna ng pinagdaraanan ng kanyang tatay at ng buong pamilya, mas naging malapit pa raw sila sa isa’t isa at yan daw ang isa sa ipinagpapasalamat nila.

“At this moment, we’re making beautiful memories together. Walang patid na tawanan, kwentuhan, kantahan at siyempre minsan may iyakan.
“Pero magkakasama kami. At iyon ang pinakamagandang regalo sa aming lahat. We’re spending our happiest days, together.”

“We appreciate all the love, good words and good deeds that [are] coming our way.

“Happiness, something that people say is hard to find, is just within all of us. Sa ano mang parte ng ating buhay, kaya natin makamit ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Let go of past hurts, accept that nothing is permanent, and most of all, live in the moment,” ang mensahe pa ni Ice Seguerra sa madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending