Khalil, Gabbi nagpa-swab test na para sa bagong serye; negosyo ni Bea magbubukas na uli | Bandera

Khalil, Gabbi nagpa-swab test na para sa bagong serye; negosyo ni Bea magbubukas na uli

Ervin Santiago |October 31,2020
facebook
share this

Khalil, Gabbi nagpa-swab test na para sa bagong serye; negosyo ni Bea magbubukas na uli

Ervin Santiago - October 31, 2020 - 09:11 AM


GOOD news para sa mga fans nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia!

Dininig na ng GMA 7 ang request ninyo na bigyan agad ng project ang celebrity couple matapos i-welcome ang singer-actor bilang bagong Kapuso.

Yes, magkakasama na nga sa wakas ang #GabLil sa isang GMA series. Ito’y makalipas lamang ang dalawang linggo matapos pumirma ng exclusive contract si Khalil sa GMA Artist Center.

Sa Instagram story ng binata ay makikita ang mga litrato nila ni Gabbi habang hawak ang isang pulang envelope.

Laman nito ang mga detalye sa pagsasamahan nilang proyekto at kitang-kita ang excitement sa reaksyon ng dalawa sa natanggap na magandang balita!

Parehong ipinatawag ng mga bossing ng GMA ang Kapuso couple para nga ibalita ang nasabing proyekto.

Isinabay na rin dito ang kanilang pagpapa-swab test na isa nga sa mga requirement para masimulan na nila agad ang kanilang upcoming show.

Excited namang ibinandera ni Gabbi sa Instagram ang title ng serye nila ni Khalil, “‘Love you, Stranger’ soon on GMA! Our first ever Teleserye together, @khalilramos! My heart is full and I’ll always be grateful! Let’s do this, Bub!!”

* * *

Abala naman ngayon sa muling pagbubukas ng kanyang coffee shop business na “Mix & Brew” ang Kapuso actress na si Bea Binene.

Sinisiguro ni Bea na masusunod ang lahat ng health and safety protocols bago sila mag-resume ng kanilang services.

Kamakailan lang ay ibinahagi niya sa kanyang social media followers ang personal na pag-asikaso sa mga preparasyon para rito.

“Went to the store last week. Missing you so much, @mixandbrewcoffee.ph! We miss our dear customers too! We will come back soon and we’ll make sure to follow protocols for our safety,” pahayag ng Kapuso youngstar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Stay tuned sa social media pages ni Bea para maging updated sa reopening ng “Mix & Brew” at iba pa niyang quarantine activities!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending