Robinsons Pacencia, SM Bonus sugar ipinahinto ng FDA ang pagbebenta | Bandera

Robinsons Pacencia, SM Bonus sugar ipinahinto ng FDA ang pagbebenta

Karlos Bautista - October 30, 2020 - 10:54 PM

Kabilang ang SM Bonus na asukal at Filipino cookies na Robinsons Pacencia sa mga produktong ipinagbabawal na bilhin dahil hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa magkahiwalay na advisory, inatasan ng FDA ang mga law enforcement agencies at local government units na siguruhing hindi na naibebenta pa sa mga pamilihan ang SM Bonus Brown Sugar, SM Bonus Refined Sugar at Robinsons Pacencia (90g).

Sa pamamagitan ng post-marketing surveillance, sinabi ng ahensiya na napatunayan walang certificate of product registration ang naturang mga produkto.

Sinabi ng FDA na hindi nila maigagarantiya na ligtas o epektibo ang mga produktong hindi nagparehistro at hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Sa isang pahayag, nangako ang SM Markets na ihihinto nito ang pagbebenta ng mga nabanggit na produktong asukal habang inaayos pa ang rehistro ng mga ito.

“We are pulling out SM Bonus Sugar products mentioned in the FDA circular advisory No. 2020-1927 until such time that our supplier is able to meet FDA registration requirements,” ayon sa SM Markets.

Noong Setyembre 16, ipinagbawal rin ng FDA ang pagbebenta ng Reno Liver Spread matapos na mapatunayang hindi rin ito rehistrado.

Makaraan ang isang buwan, tinanggal na ng FDA ang restriction sa pagbebenta at pagkonsumo ng sikat na palaman matapos na maisaayos ng Reno Foods, Inc. ang rehistrasyon nito.

Walang laman ang estanteng may label na SM Bonus Sugar sa supermaket sa SM Fairview. (Karlos Bautista/Bandera)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending