SSS pensioners maagang makatatanggap ng pensyon
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - Radyo Inquirer October 30, 2020 - 09:00 AM
Mapapaaga ang pagtanggap ng pensyon ng mga pensioners ng Social Security System o SSS.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil natapat na weekend at special non-working holiday ang Nobyembre 1.
Kahapon sinabi ni Roque na sinimulan na ng SSS ang pagpondo sa unang batch ng November 2020 pension.
Ngayong araw sa ganap na alas 12:00 ng tanghali, ire-release na aniya ng Development Bank of the Philippines ang pondo para sa pensyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.