MRT-3 walang biyahe simula Sabado hanggang Lunes | Bandera

MRT-3 walang biyahe simula Sabado hanggang Lunes

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 30, 2020 - 10:05 AM

Magpapatupad ng temporary shutdown sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 simula bukas, Oktubre 31, hanggang sa Nobyembre 2.

Pansamantalang ipinahihinto  ang operasyon upang magbigay-daan ang gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Parte ng gagawing bushing replacement ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.

Itutuloy din ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa Taft Avenue station.

Noong Oktubre 10 at 11, naiayos na ang bahagi ng turnouts at umabot na sa 91 porsyento ang completion rate nito.

Ang mga turnout ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending