Parusa ng Showtime kay Kim damay si Gerald: Bakit n'yo naman isasali ‘tong taong ‘to? | Bandera

Parusa ng Showtime kay Kim damay si Gerald: Bakit n’yo naman isasali ‘tong taong ‘to?

Ervin Santiago - October 29, 2020 - 09:13 AM

“BAKA mag-away kami ni Xian (Lim)! Hi, Xi! Nanonood ka ngayon. This is just a game!”

Hot topic sa social media at trending si Kim Chiu sa Twitter matapos “parusahan” sa paglalaro niya sa “Mas Testing” ng “It’s Showtime” kung saan siya ang tumayong “Tumpak Tracer.”

Ang ibinigay kasing “FUNishment” sa dalaga ay mag-like ng Instagram posts ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sey ni Vice Ganda, “Ila-like mo iyong posts 20th to 24th.” Balik-tanong sa kanya ni Kim, “Picture ko?”

“No, go sa account ni Gerald Anderson!” sagot ng TV host-comedian. Napasigaw naman si Kim ng, “Huy! Bakit?”

Hirit naman ni Vice sa dalaga, “It’s just a game.”

“Hindi ko nga pina-follow ‘yun, e! Bakit n’yo naman isasali ‘tong taong ‘to? Nananahimik na kami, ah! Isang dekada na ang nakalipas!” chika naman ni Kim.

Sumingit naman si Jhong Hilario at sinabing naubusan na sila ng “FUNishment” kaya ito ang ipinagawa nila kay Kim.

“Meron pa kaya diyan! Meron pang basa-basaan, jello, jello. Sino pang staff ang may gusto ng 11,000? Bakit!” natatawa namang reaksyon naman ng Kapamilya TV host-actress.

Dito na humarap sa camera si Kim kinausap ang boyfriend na si Xian Lim, “Hi Xi, kung nanonood ka ngayon, Xi, this is just a game. Xi, alam mo naman ang totoo. Ha-hahaha! Ito ay sadyang katuwaan lamang.”

Sa puntong ito, ipinahanap na ni Vice ang post number 20 ni Gerald at pina-click kay Kim para makita ito ng madlang pipol. Hirit ng aktres, “Bakit ko pa kailangang i-click? Diyusko naman! Isang dekada na ang lumipas. Hindi pa rin natin nakakalimutan ito!”

Nang matapos nang i-like ni Kim ang 20th post ni Gerald in-scroll niya ang feed ng ex-BF sabay dialogue ng, “Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.” Si Julia ang nali-link ngayon kay Gerald.

Bigla namang tumahimik ang mga co-hosts ni Kim kaya ang next na dialogue niya habang natatawa, “Ay, bawal ba? Ha-hahaha! Sorry!” Nag-  peace sign din ang host sabay sabing, “Ay, si Bea Alonzo pala!”

Nagawa naman ni Kim ang parusa sa kanya at natapos ang pagla-like sa IG photos ni Gerald. At sa isa pang  picture na ipinakita ay nakasaludo na si Gerald.

Reaksyon ni Vice, “Saludo raw siya sa iyo, Kimmy! You’re such a good sport! Sabi niya, you’re such a good sport, Kimmy! Kaya ila-like mo raw iyong nakasaludo siya sa iyo. Lodi!”

Sey pa ni Vice kay Xian matapos uling sabihin ni Kim na baka raw pag-awayan pa nila ito ng kanyang boyfriend, “Xian ha, joke lang ito. Wala siyang kinalaman ito, Showtime ito. Sa amin ito Xian.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pahabol pang mensahe ng komedyante, “Sa mga tao, it’s just a game, okay?” Sabay hirit uli kay Kim ng, “Bukas, puwede na i-unlike!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending