Tekla nakiusap, wag nang i-bash si Michelle: Mas pinili ko ang magpatawad kesa magalit | Bandera

Tekla nakiusap, wag nang i-bash si Michelle: Mas pinili ko ang magpatawad kesa magalit

Reggee Bonoan - October 28, 2020 - 03:25 PM

 

 

NAG-IISA na ngayon si Super Tekla sa kanyang condo unit dahil tuluyan na siyang iniwan ng kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag.
Umalis na ang kanyang ka-live-in dala ang kanilang anak na si Baby Angelo at limang pamangkin.

Kaya super lungkot ngayon ng komedyante dahil nami-miss niya ang kanyang mag-ina na hindi na niya makakasama sa kanyang tahanan.

Hindi na kasi pumayag si Michelle na muli silang magsama base na rin sa pinirmahan nilang kasunduan, susustentuhan na lang ni Tekla ang anak kasama na ang hospitalization nito.

At dahil nagkabati na sila at okay na kaya naman nagpasalamat si Tekla sa lahat ng mga dumamay sa kanya base sa ipinost niyang mensahe sa kanyang Facebook page.

“Salamat Panginoon. Salamat DONITA, mommy ROSE AT MGA KAIBIGAN KUNG HINDI AKO INIWANAN AT HANDANG IPAGTANGGOL AKO.

“Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo maisa isang lahat pipilitin kung bumangon at magsimula nanaig na ang katutuhanan.

“Wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila mas pinili ko ang forgiveness kaysa puot natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive.

“At sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko ‘yun lets pray at pagmamahal nalang poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito God Bless us all,” ang pahayag pa ng komedyante.

Samantala, habang isinusulat namin ito ay may nakarating sa aming balita na umano’y itinakas ni Michelle ang anak nila ni Tekla kagabi pagkatapos siyang mapagalitan ni Raffy Tulfo at ire-report daw sa DSWD.

Ang mismong broadcaster na mismo ang nagsabing hindi fit maging guardian si Michelle sa kanyang mga pamangkin dahil nga ang paniniwala niya ay may bisyo pa rin ang nanay ng sanggol matapos umatras sa pagpapa-drug test.

Kaya pagkatapos daw ng pag-uusap nina Michelle at Raffy nitong Martes ay dali-dali itong nag-alsa balutan bitbit ang anak.
Habang isinusulat namin ito ay wala pa kaming ideya kung alam na ito ni Tekla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending