Ivana inaming crush si Paulo Avelino; social causes ni Catriona tuloy lang sa kabila ng red tagging
Hindi nakapagsalita si Paulo Avelino nang aminin ni Ivana Alawi sa Zoom conference para sa horror movie na “Sitsit” na crush siya.
Natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya kay Paulo bilang producer niya sa episode na “Aswang’”mula sa direksyon ni Erin Pascual for iWant TFC.
“Sobrang tahimik si Pau (sabay tawa). Na-pressure ako kasi nga, huwag na ‘yun,” tumatawang sambit ng dalaga. “Dati kasi crush ko si Paulo, so okay ka na? Kaya nu’ng nakita ko siya, sobrang tahimik at nasa isang puwesto lang. Pero very caring naman siya kasi lagi siyang nagtse-check, ‘o kumusta? May problema ba?’ So, na-appreciate ko naman yun,” pagtatapat ni Ivana.
At ang reaksyon ni Paulo, “Baka kailangan mong mag-eye drops at tumingin ulit, (natawa). Wala rin akong masabi, eh. Hindi ko alam kung magte-thank you ba ako. ‘Wag kang mag-alala, crush ka rin naming lahat.”
Sa tanong kay Paolo kung sakaling sitsitan siya ni Ivana ng madaling araw ano ang gagawin niya.
Dinig na dinig namin ang halakhak ni Ivana na tila kinilig sa tanong sa kanyang crush.
“(Natawa muna si Paulo) Mahirap ‘yang tanong na ‘yan, ah. Parang lahat naman ng lalaki, crush si Ivana saka na-meet ko pa siya, napakabait. So, siguro kung sisitsitan niya ako sa gabi hahatid ko na lang siya sa bahay niya kasi baka nawawala siya para safe siyang makauwi,” nakangiting sagot ng aktor/producer.
Hirit naman ni Ivana,“Masyadong safe (sagot ni Paulo).”
Hiningan ng reaksyon si Paulo kung anong masasabi niya kay Ivana dahil halos lahat ng kalalakihan ay sex symbol ang tingin sa aktres.
“Malayo siya sa pino-portray niya sa YouTube niya and photos niya, simple lang siya na medsyo tahimik, matuwain pero napaka-simple,” say ng aktor.
Singit ulit ni Ivana, “Tahimik ba ako? Parang ikaw’ yung tahimik nu’ng nagte-taping tayo.”
Tawa naman ng tawa si Paulo sa hirit ng dalaga at tanging nasabi na lang sa pagiging tahimik niya, “Trabaho, eh.”
Mapapanood na ang “Sitsit”, episode “Aswang “ni Ivana na produced ni Paulo sa iWant TFC app (iOS and Android) or on iwanttfc.com sa Oktubre 31.
* * *
Naglabas ng official statement ang legal counsel ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na si Atty. Joji V. Alonso tungkol sa pagdamay sa kanya ni Lt. Gen. Antonio Parlade kasama ni Liza Soberano na huwag tularan ang kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colmenares na umano’y miyembro ng NPA Quezon.
Ilang beses itinanggi ni Ella ang paratang na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief.
Itinanggi rin ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ang paratang na miyembro ng Gabriela ang alaga niya.
Ayon kay Atty. Joji, “Dragging Catriona’s name when all she has endeavored to do, is advocate for women’s rights, is completely uncalled for.
“Catriona will not waiver in continuously championing social causes that uplift women’s lives.
“And while there may be people who will try, she remains steadfast in her stance that no one should be silenced in sharing their personal stories that give strength and support to fellow women who have gone through similar experience.
“Catriona expresses her gratitude to all those who share the same stand on gender equality and who aim to protect those who are brave enough to speak out on their platforms.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.