Paratang ng AFP na ginagawang training ground ng mga terorista ang mga Madrasah hindi makatarungan | Bandera

Paratang ng AFP na ginagawang training ground ng mga terorista ang mga Madrasah hindi makatarungan

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - October 24, 2020 - 08:41 AM

Hawak ng mga guro ang unified curriculum para sa Arabic studies sa mga Madrasah sa bayan ng Piagapo sa Lanao del Sur. Layunin ng curriculum na labanan ang paglaganap ng religious extremism at radicalism. (PIA)

Binatikos ni Lanao del Sur Rep. Ansaruddin “Hooky” Adiong ang naging pahayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na posibleng ginagawang “breeding grounds” ng mga terorista ang mga Madrasah o Islamic School.

Ayon kay Adiong, hindi ito makatwiran bukod pa sa lumilikha lamang ito ng pagdududa sa mga Muslim community.

Sabi ng mambabatas, walang puwang sa kanilang mga paaralan at komunidad ang terorismo at violent extremism.

Paliwanag ni Adiong, ang layunin lamang ng mga Madrasah ay magturo ng naayon sa moral values ng Qur’an gayundin ang pag-promote ng kapayapaan hindi lamang sa mga Muslim kundi para sa lahat.

Saad ni Adiong, “While I commend the AFP in their relentless pursuit in countering violent extremism, there are other ways to prevent the recruitment of terrorists without sacrificing and compromising the safety and peace of mind of our people.”

Dahil dito, hinikayat ng mambabatas ang mga opisyal ng pamahalaan na pag-aralan kung ano ang ginagampanan ng mga Madrasah sa buhay ng mga kabataang Muslim.

“I encourage our officials to learn more about the indispensable role of our Madrasahs in molding the characters of our youth, so they become compassionate, productive, and valuable members of society. Many of our exemplary leaders today were products of our Madrasahs,” pahayag ni Adiong.

Dagdag pa ni Adiong, “The call for educating people on the common misconceptions about the teachings of Islamic schools has become more and more apparent. We should not perpetuate fear and hatred, but help dispel the prevailing discrimination and bias against Muslims.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending