Pangarap ni Bugoy para sa kanyang mag-ina: Magandang buhay at sariling bahay | Bandera

Pangarap ni Bugoy para sa kanyang mag-ina: Magandang buhay at sariling bahay

Ervin Santiago |October 22,2020
facebook
share this

Pangarap ni Bugoy para sa kanyang mag-ina: Magandang buhay at sariling bahay

Ervin Santiago - October 22, 2020 - 09:28 AM

MAGANDANG buhay at magarang bahay ang pangarap ng batang ama na si Bugoy Cariño para sa kanyang live-in partner at panganay na anak.

Nagsisikap nang mabuti ngayon ang dating child star katuwang ang girlfriend niyang volleyball star na si EJ Laure.

Aminado si Bugoy na napakahirap ng pinagdaanan nila ni EJ noong nagsisimula pa lamang sila sa pagkakaroon ng sariling pamilya sa murang edad.

Ngunit sa halip na magpatalo sa mga pagsubok, mas pinili nilang magpakatatag para sa 2-year-old baby nilang si Scarlet. Ito’y kahit na nga mawala ang iniingatan nilang respective career.

Nu’ng bumandera ang chika na nakabuntis si Bugoy ay nawala siyang bigla sa ABS-CBN, hindi na rin siya napanood sa “It’s Showtime” bilang miyembro ng all-male group na Hashtags.

Tumigil naman noon si EJ bilang atleta na dati namang UAAP volleyball player mula sa University of Sto. Tomas. Natsismis na buntis siya noong bigla siyang mawala sa eksena.

Dinenay nila noon ang tungkol sa isyu ng buntisan ngunit nito lamang Setyembre ay umamin na rin sila sa pagiging young parents.

Isinabay ni Bugoy ang pag-amin na tatay na siya sa kanyang 18th birthday.

Kuwento ni Bugoy, wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari kaya talagang kinakarir niya ngayon ang mga responsibilidad bilang batang ama.

“Yung pagmamahal po namin ngayon ay hindi po siya naging madali. Pero habang tumatagal po kasi, mas tumitibay po yung pagmamahalan namin,” pahayag ni Bugoy sa panayam ng digital talkshow na “I Feel U.”

Hindi rin daw naging issue ang limang taong age gap nila ni EJ, “Hindi naman po namin iniisip yun na magkalayo yung edad namin. Basta parang maging masaya po kami.

“Basta happy si Scarlet, happy kami, and nagagawa namin yung mga goals namin, tsaka responsibilities namin sa family namin.

“Mahirap nu’ng una, pero dumadali naman siya habang tumatagal,” sey pa ng dating “Goin’ Bulilit” star.

Aminado rin si Bugoy na ngayong 18 na siya, mas natuto pa siyang maging madiskarte at maging responsable sa buhay lalo pa’t lumalaki na si Baby Scarlet.

“Mas nag-mature po siguro ang pag-iisip ko. Siyempre, mas iisipin ko na yung baby ko kesa sa akin.

“Siyempre, ganoon naman po yung parents, di ba? Siguro mas nag-mature lang,” aniya pa.

Mula nang maging magulang sila ni EJ ay nag-iba na rin ang priorities nila sa buhay, mas inuuna na nila ngayon ang pangangailangan ni Baby Scarlet kesa sa sarili nila.

Chika ni Bugoy, “Dati pag nagpaplano kami, magmo-mall kami, tapos makikipagkita kami sa barkada.

“Ngayon hindi na po. Sasabihin namin, ‘Wait lang, walang magbabantay sa baby.’ Malaki po talaga nagbago.

“Dati pag nag-aaway, maliit na bagay lang. Pero ngayon po kasi, yung maliliit na bagay sina-sarcastic na lang namin,” kuwento pa ng young parent.

Handang gawin ni Bugoy ang lahat matupad lang ang lahat ng pangarap niya para sa kanyang mag-ina. Hindi raw siya susuko sa lahat ng pagsubok na darating sa kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang ultimate dream daw niya ngayon ay, “Magkaroon ng magandang buhay yung mag-ina ko. Siyempre, magkaroon kami ng bahay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending