Palasyo, ipinaubaya sa Ombudsman ang paglalabas ng SALN ni Pangulong Duterte | Bandera

Palasyo, ipinaubaya sa Ombudsman ang paglalabas ng SALN ni Pangulong Duterte

Bandera at Radyo Inquirer - , October 19, 2020 - 04:00 PM

Ipinapaubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Office of the Ombudsman ang pagre-release ng State of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga taong 2018 hanggang 2019.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may bagong guidelines na sinusunod ang Ombudsman sa paglalabas ng SALN.

Sinabi pa ni Roque na iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang Ombudsman lalo’t isa itong constitutional body.

Base umano sa panuntunan ng Ombudsman, kailangang may permiso muna sa subject ng SALN para magbigay ito ng ‘go signal’ sa isang nagre-request o nais makakuha ng kanyang Statements of Assets and Liabilities.

Tugon naman dito ni Roque, sundin na lang ang prosesong ipinatutupad.

Bago ito ay nauna nang iginiit ng Malakanyang na nagsusumite ng kanyang SALN ang Chief Executive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending