‘Bubble Gang’ boys may respeto sa isa’t isa: Akala n’yo lang wala, pero meron, meron, meron!

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

‘Bubble Gang’ boys may respeto sa isa’t isa: Akala n’yo lang wala, pero meron, meron, meron!

By Ervin Santiago October 18,2020 - 09:36 AM

“SINESERYOSO namin ang comedy!”

Yan ang nagkakaisang pahayag ng “Bubble Gang” boys sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanilang gag show.

Sa GMA Entertainment Viber Community, ikinuwento nina Paolo Contis, Mikoy Morales, Archie Alemania, Sef Cadayona at Betong Sumaya kung ano ang sikreto sa likod ng tagumpay ng Kapuso comedy show.

Para sa kanila, malaking bagay raw ang teamwork at abilidad nilang mag-adapt sa panahon at talagang bawat eksena sa programa ay pinag-iisipan ng production.

“I think kaya kami swak sa isa’t isa ay dahil magkakaibigan kami at may respeto kami sa isa’t isa. Kahit feeling n’yo wala, meron!” pabirong hirit ni Paolo.

“We take our comedy seriously. We try na mag-adapt sa mundo kaya 25 years and counting ang Bubble Gang.

“Hindi siya madali. Lahat ng ginagawa namin ngayon ay may kinalaman na sa new normal, adapt lang nang adapt,” aniya pa.

Dagdag naman ni Mikoy, “Totoo ‘yun, actually. May lambing din talaga ‘yung asaran sa amin. Kapag hindi ka inaasar, hindi ka mahal. Pero honestly,’yung pagiging seryoso ng show sa comedy ang sikreto.”

Samantala, ipinahayag naman nina Betong, Sef at Archie na dream come true at isa nang maipagmamalaking achievement ang mapabilang sa cast ng “Bubble Gang” hanggang ngayon.

Bukod sa tuluy-tuloy ang kanilang trabaho at may regular na kita, napakarami rin daw nilang natutunan sa show at ang turingan nilang parang tunay na pamilya na ang hindi mababayaran ng kahit magkano.

Napapanood pa rin ang “Bubble Gang” tuwing Biyernes, 10 p.m. sa GMA 7.

* * *

Sa latest vlog ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, ipinasilip niya sa fans ang kanyang unang gabi sa bago niyang mansion.

Parang naging house tour ang video dahil inikot ni Rocco ang netizens sa iba’t ibang sulok ng kaniyang new place.

Prepared na prepared siya at may dala pa siyang mga beddings, food, at iba pang mga gamit para maaliw siya habang nag-iisa.

Kuwento niya, “Ni-ready ko yung mga gamit ko, nagdala ako ng konting pagkain, sana hindi napanis. May tubig, nagdala ako ng mga damit, ie-experience ko ito ngayon. Ito ang Rocco Nacino stay at home challenge!

First night ko dito ever!”

Samantala, malapit na malapit nang mapanood muli si Rocco sa pagbabalik ng “Descendants of the Sun PH” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending