Kalad Karen handang iwan ang career sa Pinas para sa British fiancé: Sa love, you have to choose
KUNG papipiliin ang TV host-comedienne na si Kalad Karen, handa siyang isakripisyo ang kanyang career para sa pagmamahal niya sa kanyang fiancé.
Hindi magdadalawang-isip ang impersonator ni Karen Davila na iwan ang napakagandang career niya rito sa Pilipinas kapalit ng pagsasama nila ng
British boyfriend na si Luke Wrightson.
Kuwento ni Kalad Karen sa panayam ng “Magandang Buhay” na napapanood pa rin sa Kapamilya Channel, baka sa England na magaganap ang kasal nila ni Luke.
“Nakikita namin ang sarili namin na magse-settle sa England. In terms of legalities at least doon ay kikilalanin ang kasal namin.
“I can be Jervi Wrightson doon, dito sa Pilipinas hindi ‘yon puwede. Hindi pa ngayon pero malay natin lahat naman ay ginagawa natin.
“The LGBT rights at mga advocate, activist are still pushing para magkaroon tayo ng equality and civil union.
“Maybe in the future ‘di natin alam kung kailan. Pero kung legalities at legalities lang ay maganda na sa England,” pahayag ni Kalad Karen.
Alam niyang marami siyang kailangang isakripisyo kapag nagsama na sila ni Luke bilang mag-asawa, at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ito.
“Sa love, you have to choose. You can’t have it all. For me, mayroon talagang bagay na dapat talagang isakripisyo para ipagpatuloy niyo ang
relasyon niyo.
“Nothing is perfect. Pero feeling ko kung darating man ang pagkakataon na kailangan kong pumili, siyempre I will always choose Luke over my career,” chika pa ni KaladKaren.
Samantala, kinumpirma naman ni Angeline Quinto na kakanta siya sa wedding ng kaibigan niyang si Kalad Karen o Jervi Li sa tunay na buhay.
Kuwento ng singer sa “Magandang Buha”, “Hindi pa kami ulit nagkikita sa
ABS-CBN ay nagkatrabaho na kami matagal na matagal na po.
“Kaya noong nagkasama kami sa ‘I Can See Your Voice’ sobrang natutuwa ako, kasi nagkita kami ulit. Tapos as magkatrabaho pa rin as KaladKaren na siya,” chika ni Angeline.
“Noong narinig ko ang magandang balita nga tungkol sa kanila ni Luke ay tuwang-tuwa ako. Kaya sinabi ko sa kanya na kung kailanman ang kasal niyo ay asahan mo na kapag puwede talaga ay kakanta ako para sa inyo,” aniya pa.
Mensahe naman ni Kalad Karen kay Angeline, “I miss you. Siya kasi ang pinaka-close ko sa ‘I Can See Your Voice,’ si Ate Angge. At saka nagkatrabaho na kami 2011 pa lang. Hindi pa ako nagso-showbiz.
“Naging contestant namin si Ate Angge sa isang singing competition, tapos ako ang isa sa mga writer kaya kami nagkakilala,” sey ni KaladKaren.
“Alam mo naman na kahit hindi tayo nagkikita ay naa-appreciate ko ang message natin sa isa’t isa and I’m really thankful na tinanggap mo ako sa life mo bilang kaibigan mo. Siyempre happy rin ako kapag natutuwa sa akin si Mama Bob.
“Thank you very much for our friendship. Sana ‘yung pagkakaibigan na nabuo natin, simula pa noong hindi pa ako nagsho-showbiz hanggang ngayon sa ABS-CBN, ay mapagpatuloy natin ‘yan forever na. I love you and thank you very much,” ang sey pa ng impersonator ni Karen Davila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.