Photo scandal umano ng gwapong vlogger, kalat na sa social media

By Karlos Bautista October 17,2020
share this

Photo scandal umano ng gwapong vlogger, kalat na sa social media

By Karlos Bautista October 17,2020 - 06:58 PM

Kalat na kalat na sa social media ang larawan na diumano’y sa isang sikat na vlogger habang hubo’t hubad itong nagpapaligaya sa sarili.

Sa Twitter, may mga users na humihingi ng link kung saan makikita ang umano’y photo scandal ng gwapong binata.

“Pa-share naman,” wika ng isang Twitter user. “How can I get it?” tanong naman ng isa.

Pinansin ng ilan ang pagkakahawig ng kwarto, kama at kisame na makikita sa photo scandal at sa mga videos ng vlogger sa kanyang YouTube channel.

Pero hindi lahat ay natutuwa na pinagpipistahan ang kahubdan ng matipunong vlogger na karamihan sa mga sikat na vlogs ay tungkol sa buhay ng mga seafarers habang naglalayag.

“Please lang, stop it,” pakiusap ng Twitter user na si Sean (@SEANcharlord). “Halata namang edited!”

“Ano bang ginawa ng tao sa inyo? Inggit kayo sa success niya? Gusto niyo lang ng madaming followers before sending the video?” dagdag pa niya.

Maliban sa mga nagparami ng followers, may ilan ding scammers na sinamantala ang desperasyon ng ilan na makita ang senswal na larawan.

Kwento ng Twitter user na si @Chaddfftzg, “Ung kaibigan ko kasi nag kati2 nagbayad para daw makita ang scandal ni (pangalan ng vlogger) …after nya masend ung pera bigla syang block.. buhahaha..wala daw video talaga wag kau papauto.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending