Marami ang hindi nakakaalam na ang premyadong aktres na si Ms. Elizabeth Oropesa ay naging film producer noong dekada sitenta. Ngayong 2020, siya ay nagpasyang mag-prodyus uli para alalahanin ang pagsubok na pinagdaanan ng mundo dahil sa CoVid-19.
Ito ay para sa pelikulang “ECQ Diary ( Bawal Lumabas )” sa panulat at direksiyon ng mamahayag at filmmaker na si Arlyn Dela Cruz-Bernal.
“Sa tingin ko, may obligasyon tayo bilang mga alagad ng sining na lumikha ng pelikula tungkol sa pagsubok ng pandemya,” ani Oropesa.
Bida rin dito si Oropesa na kilala sa tawag na La Oro kasama ang kanyang kaibigang si Ms. Daria Ramirez.
Senior citizens ang dalawa sa istorya na nagngangalang Susan at Amalia.
Sa loob lamang ng bahay kinunan ang 90 porsiyento ng mga eksena para ipakita ang kuwento ng magkapatid sa panahon ng quarantine.
Ipinakikilala sa pelikula si Unica Yzabel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.