Bea umamin: Wala talaga akong confidence noon, hindi ko alam paano umarte | Bandera

Bea umamin: Wala talaga akong confidence noon, hindi ko alam paano umarte

Ervin Santiago |October 15,2020
facebook
share this

Bea umamin: Wala talaga akong confidence noon, hindi ko alam paano umarte

Ervin Santiago - October 15, 2020 - 11:03 AM

LAHAT ng natutunan at nalalaman ngayon ni Bea Alonzo tungkol sa mundo ng showbiz ay utang niya sa ABS-CBN.

Alam naman ng lahat na bata pa lang si Bea ay nasa pangangalaga na siya ng Star Magic. Talagang literal na lumaki siya sa guidance ni Johnny Manahan o Mr. M na naging tatay-tatayan na niya sa showbiz.

Ayon sa Kapamilya actress, buong buhay niya bilang artista ay palaging nakaalalay ang mga bossing ng network kaya hinding-hindi niya ito makakalimutan.

Sa bagong vlog ng dalaga sa YouTube, sinagot niya ang tanong ng isa niyang follower kung ano ba ang natutunan niya bilang Kapamilya.

“Everything I know about the business, I know because I am a Kapamilya. Before naman ako nag-artista, hindi ko naman alam kung paano umarte,” simulang tugon ni Bea.

Dagdag pa ng Kapamilya Drama Queen, “I learned how to love a colleague, how to care about one another.

“I have learned the value of hard work and the gift of friendships because 90% of my friends are from ABS-CBN.

“Because I started when I was 13 years old, parang hindi ko pa nabubuo ang pagkatao ko,” paliwanag ni Bea.

Kung anuman daw ang personalidad niya ngayon at kung nasaan siya ngayon yan ay utang na loob niya sa napakahabang panahong pag-aalaga sa kanya ng ABS-CBN.

Samantala, nagbigay din si Bea ng ilang advice sa lahat ng mga kabataan ngayon na kulang o walang self-confidence dahil sa kanegahang hatid ng ilang tao at pangyayari sa mundo.

Aniya, hindi rin naging madali para sa kanya ang marating kung nasaan man siya ngayon pero hindi siya nagpatalo sa mga challenges at talagang lumaban para marating ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“I was just like you when I was a teenager. Wala talaga akong confidence at all.

“At that time, imagine ‘yung mga kasabayan mo sila Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban na sobrang hot nila and they are really good actors,” pag-amin ni Bea.

Pahayag pa ng aktres, nag-focus siya sa mga bagay na alam niyang kaya niyang gawin at hindi basta-basta nagpadaig sa mga intriga, tsismis at kung anu-ano pang kanegahan sa showbiz.

“That was acting for me. I felt empowered when I was acting because I knew I was good at it,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pang mahalagang aral na natutunan niya sa ilang taong pag-aartista ay, “Love yourself for who you are, flaws and all.

“After a while, ‘yun ang natutunan ko. Nobody will love you as much as you love yourself. If people see you that you love yourself and that you take care of yourself because you love you, people will start to actually respect you,” pagbabahagi pa ni Bea Alonzo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending