Jodi tumawa lang ng super lakas nang matanong sa lovelife; may pinasok na bonggang negosyo | Bandera

Jodi tumawa lang ng super lakas nang matanong sa lovelife; may pinasok na bonggang negosyo

Ervin Santiago |October 15,2020
facebook
share this

Jodi tumawa lang ng super lakas nang matanong sa lovelife; may pinasok na bonggang negosyo

Ervin Santiago - October 15, 2020 - 09:26 AM

ISANG malakas na tawa lang ang isinagot ni Jodi Sta Maria nang matanong kung in love ba siya ngayon.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa launch ng bagong business venture ng Kapamilya actress, ang wellness company na HealthyFix Store Co., humarap muli si Jodi sa members ng entertainment press.

Nagkakaisa ang mga showbiz writers pati na rin ang mga vloggers sa pagsasabing glowing at nag-uumapaw ang ganda at freshness ngayon ng aktres.

Kitang-kita na maligayang-maligaya siya ngayon sa buhay. Pero naging mailap pa rin si Jodi sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang lovelife.

Kamakailan kasi ay nabalitang sila na ngayon ni Raymart Santiago base na rin sa mga sweet photos nila together na kumalat sa social media. Pero until now ay hindi pa rin nagsasalita ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pero sa kuwento ng komedyante at vlogger na si Brenda Mage nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay” mukhang confirmed na nga ang chika.

Si Brenda ang gumaganap na assistant ni Jodi sa seryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kaya siguradong may alam siya kahit paano tungkol sa love story nina Jodi at Raymart.

“Hindi ba kumakalat na naman ngayon ‘yon,” ang painosente pang pahayag ni Breda Mage nang matanong about the rumored couple. Aniya, tinutukso raw ng mga kasamahan nila sa serye si Jodi dahil kay Raymart lalo na nang ipakilala raw ng aktres si Raymart sa kanila.

“Kasi po ang role ko po roon ay assistant ni Ms. Jodi. So kahit saan siya pumunta ako talaga ang kasama niya. Minsan kaming dalawa lang sa office niya ganyan-ganyan.

“Kapag ano mayroon siyang ka-video call. Sino kaya ‘yan? Tapos ‘yon pala. Hanggang sa ni-reveal niya na. ‘Mag-hi kayo si ganito, si ganyan.’ Tapos inaasar ng mga kasamahan namin.

“Kasi lahat ng kasamahan namin, pati ang production staff, mga direktor, parang kasama nila sa dating show ni kuya Raymart, sa ‘Starla.’ So kilala nila kaya inaasar nila si Ate Jodi,” chika pa ni Brenda.

Samantala, isang bagong journey na naman ang tatahakin ni Jodi matapos makipag-sanib pwersa sa mga negosyanteng sina Nino Bautista and Red Gatus para sa HealthyFix Store Co., na isang wellness company na magbibigay ng opportunity sa mga gustong magsimula ng business.

At dito, game na game na sinagot ni Jodi ang mga tanong ng press tungkol sa pagpasok niya sa negosyo “with a purpose.”

“You know what, at the end of the day, it is no longer about what I want to achieve in life. Coming to that realization that is more to life than just me, or my life revolving around myself,” pahayag ng aktres sa online presscon para sa launch ng HealthyFix Store Co..

Paliwanag pa niya, “How can  I make life better for those who want to make their lives better? At the end of the day, it is no longer about your achievements, your money of your accolades.

“It is really about whether you have made a difference in the life of one person. And you do for one what you cannot do for all,” esplika ni Jodi.

“For me, I think whatever I am doing right now, it is no longer for myself na, eh, especially with Heathy Fix, talagang it is offering a helping hand to those who need it.

“‘Yun naman talaga ang naging core ng business namin, ng company namin. Na mag-o-ffer ka ng maganda at de-kalidad na produkto and at the same time ay makapag-offer ka ng tulong, ng business opportunity sa mga nangangailangan o sa mga gustong magnegosyo,” lahad pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy pa niya, “I am excited, I am happy for this new venture.  I am a sucker for learning new things. This is actually is good for me. It is enriching me as a person.”

For questions and inquiries tungkol sa HealthyFix, log on lang kayo sa www.healthyfixstore.com or chat via facebook.com/myhealthyfixstore.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending