Cast ng 'Banana Sundae' naglipatan sa TV5: Sayang wala sina Angelica at John | Bandera

Cast ng ‘Banana Sundae’ naglipatan sa TV5: Sayang wala sina Angelica at John

Reggee Bonoan |October 14,2020
facebook
share this

Cast ng ‘Banana Sundae’ naglipatan sa TV5: Sayang wala sina Angelica at John

Reggee Bonoan - October 14, 2020 - 04:29 PM

INAMIN ni Jayson Gainza na kung walang programa sa ABS-CBN sina Angelica Panganiban at John Prats ay posibleng sumama ang mga ito sa kanila sa TV5 para sa sitcom na “Sunday Kada.”

Gusto rin daw kasi nina Angge at John na sama-sama pa rin silang grupo. Bukod sa dalawa ay kasama rin sa original cast sina Pooh, Jobert Austria at Ryan Bang.

Sa programang “Sunday Kada” na mapapanood na sa TV5 ngayong Linggo, Okt. 18 ay para ka ring nanonood ng “Banana Sundae” sa ABS-CBN dahil halos lahat ng cast ay magkakasama pa rin.

Nandiyan sina Badji Mortiz, Ritz Azul, Miles Ocampo, Wacky Kiray, Sunshine Garcia, Miles Ocampo at Jayson. Join din sina Wally Waley, Josh Colet, Daniel Matsunaga at Jerome Ponce na ididirek ng mag-amang Frasco at Edgar Mortiz mula sa Brightlight Productions.

Sa ginanap na Bigger Better BER-months with TV5 virtual mediacon, ayon kay direk Frasco hindi naging mahirap ang adjustment nila dahil same cast pa rin, ang nabago lang ay ang bago nilang bahay, ang TV5.

“Nu’ng nag-taping na, surprisingly mayroon nang natural na camaraderie between each and everyone of them. Ramdam mo kaagad na masaya ‘yung magiging trabaho and malaking tulong na nakatrabaho ko na as a director most of them doon sa iba’t ibang iteration ng ‘Banana’ sa ABS.

“Siguro ang difference lang po ay sa ibang network na kami mapapanood pero ‘yung sayang naibibigay ng group, nandoon pa rin ‘yung energy, nandoon pa rin ‘yung excitement nu’ng nag shoot kami kasi ilang buwan kaming walang work so eto nam magbabalik na ulit ang comedy sa television,” sabi ng direktor.

Maging sa production staff ay walang nabago dahil kung sino raw ‘yung mga nakasama nila sa “Banana Sundae” ay kasama nila sa “Sunday Kada” pagkalipas ng anim na buwang walang trabaho.

Sa tanong namin kay Badjie kung ano ang bagong mapapanood sa show na wala sa “Banana Sundae” at kung niyaya ba nila sina John at Angelica na sumama sa kanila, “As much as possible gusto namin silang makasama pero meron silang on going show sa ABS-CBN kaya hindi sila makakasama sa amin.

“Ang mga bagong ipapakita namin dito, well nandoon pa rin ‘yung mga sketches, gags, mga opening numbers pero abangan n’yo nga ‘yung mga bagong spoof namin kasi ngayong nasa TV5 kami, feeling namin mas free kami whatever we like kaya marami kaming spoofs na ipe-present sa viewers na siguradong matatawa kayo,” sagot ni Badjie.

Ang mga programang binabanggit na on going ni Angelica ay ang online show niyang “#AskAngelica”, ang teleseryeng “Walang hanggang Paalam” at may pelikula pa sila ni Coco Martin mula sa Star Cinema.

Si John naman ay kasama pa rin sa action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Going back to “Sunday Kada”, bago para kay Jerome ang comedy dahil mas lagi siyang napapanood sa drama.

“Sabi ko, wala namang masama kung susubukan ko ang comedy. At saka sa Banana Sundae palang gusto kong i-try kasi ‘yung mga kasama ko rito ay pinagkakatiwalaan ko at talagang mga naging kaibigan ko na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s a different kind of work kasi hindi mo mararamdaman ‘yung work dahil kapag nagpapasaya ka o nag-e-entertain ka, hindi work ang tawag do’n,” paliwanag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending