Lovi goodbye muna sa LDR; muling nakasama ang British BF sa US
SA wakas, nagkita at nakasama na muli ni Lovi Poe ang US-based British writer-producer niyang boyfriend na si Monty Blencowe.
Ilang buwan din silang nagtiis sa kanilang LDR (long distance relationship) at “lockdown” status dahil nga sa COVID-19 pandemic.
Ngunit napawi rin ang pangungulila ng magdyowa nang makakuha ng pagkakataon ang Kapuso actress na makaalis ng Pilipinas para mabisita si Monty sa Amerika.
Sa pagkakaalam namin, bago matapos ang September ay inasikaso na ni Lovi ang mga kailangang requirements para makaalis ng bansa at siyempre dumaan din siya sa tamang proseso kabilang na ang pagsunod sa health protocols.
At tinapos muna niya ang ikatlong episode ng “I Can See You” na “High-Rise Lovers” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad kung saan nakikipagtalbugan siya ng aktingan at kaseksihan kay Winwyn Marquez with their leading man Tom Rodriguez.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Monty ng mga litrato nila ni Lovi na kuha noong wala pang pandemya at ang mga bago nilang photos sa muli nilang pagkikita sa ilalim ng “new normal.”
Aniya sa caption, “Last year vs. this year.”
Sa IG Stories naman ng Kapuso star, makikita ang ilang bonding moments nila ni Monty kabilang na ang pagpe-prepare niya ng food para sa kanyang boyfriend. Ipinakita pa niya ang ginawa niyang rice bowl na naubos ng dyowa at simot na simot.
Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Lovi at Monty at sila ang buhay na patotoo na pwedeng-pwede pa ring tumagal at maging happy and strong ang isang long distance relationship.
Sa nakaraang digicon ng “High-Rise Lovers” tinanong namin si Lovi kung anong tips ang maise-share niya sa mga tulad niyang nasa LDR.
Aniya, may tatlong factors na dapat i-consider kapag nasa “status: LDR” — ang communication, trust and respect.
“Communication is important to all relationships. Trust should be there because you’re far away from each other. But still, you have to respect each other’s space and time,” sey ni Lovi.
Paalala pa niya, “You have to appreciate the little things your partner does for you, and make sure that you also do something special for him or her. It’s a give-and-take situation. You have to keep the fire burning.”
Samantala, abangan ang mas tumitindi pang mga ganap sa pagpapatuloy ng nakaiintrigang kuwento ng “I Can See You: High-Rise Lovers” sa GMA Telebabad after “Encantadia.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.