Sunshine kinarir ang kanta ni Dina Bonnevie para iregalo kay Macky | Bandera

Sunshine kinarir ang kanta ni Dina Bonnevie para iregalo kay Macky

Ervin Santiago |October 14,2020
facebook
share this

Sunshine kinarir ang kanta ni Dina Bonnevie para iregalo kay Macky

Ervin Santiago - October 14, 2020 - 10:37 AM

HASHTAG #KiligPaMore ang hatid ng magdyowang Sunshine Cruz at Macky Mathay sa madlang pipol sa latest paandar nila sa social media.

“Napa-sana all” talaga ang mga netizens sa napanood nilang birthday surprise ni Sunshine para sa kanyang boyfriend.

Habang naka-lock in kasi ang aktres sa taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Bagong Umaga” nakagawa nga ng isang video si Sunshine para sa kaarawan ni Macky last Sept. 10.

Sa kanyang official Facebook account, nag-post si Sunshine ng kanyang video kung saan kinanta niya ang favorite song ng dyowa, ang classic love song ng award-winning actress na si Dina Bonnevie na “Bakit Ba Ganyan” na isinulat ni Vic Sotto.

Ayon kay Shine, talagang pinag-aralan niya ito para lang mairegalo kay Macky. Aniya,  “Happy Birthday my Macky! Sorry I can’t be with you today but we will celebrate soon!” mensahe niya sa kasintahan.

“I prepared a simple gift for you. I know you love this song and gusto mong kantahin ko ito that is why inaral ko especially for you. Sana magustuhan mo.

“Happy 41st Birthday Macky! Know that you are loved and appreciated. I am truly blessed to have someone like you in my life. I love you!” ang mensaheng isinulat ni Sunshine para sa kanyang partner.

Apat na taon na ang relasyon nina Sunshine at Macky pero mukhang wala pa sa priorities nila ngayon ang magpakasal at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Sa tuwing tinatanong ang aktres tungkol dito, ang palagi niyang sinasabi ine-enjoy lang muna nila ni Macky ang kanilang relasyon. Ani Sunshine, top priority pa rin niya sa ngayon ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang tatlong anak kay Cesar Montano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending