Sanya pinaghahandaan na si Gabby; nakiusap sa mga fans ni Marian | Bandera

Sanya pinaghahandaan na si Gabby; nakiusap sa mga fans ni Marian

Ervin Santiago |October 14,2020
facebook
share this

Sanya pinaghahandaan na si Gabby; nakiusap sa mga fans ni Marian

Ervin Santiago - October 14, 2020 - 09:44 AM

NEVER pang nakilala nang personal ni Sanya Lopez ang bago niyang leading man sa seryeng “First Yaya” na si Gabby Concepcion.

Kaya naman super excited na raw siyang makita at makatrabaho ang  aktor na gaganap na presidente ng Pilipinas sa upcoming Kapuso series habang siya naman ang magiging First Yaya sa halip na First Lady.

“Sobrang excited ako na kinakabahan, kailangan kong ihanda ‘yung sarili ko sa mga eksena na nandu’n si Mr. Gabby Concepcion kasi alam naman nating magaling talaga siyang aktor. Siyempre bonus ‘yung guwapo talaga siya,” pag-amin ni Sanya sa virtual mediacon na ibinigay sa kanya ng GMA.

Dito nga nasabi ni Sanya na napapanood lang niya noon si Gabby sa mga pelikula at teleserye nito sa GMA pero hindi pa sila nagkakakilala nang personal.

Para naman sa direktor ng “First Yaya” na si LA Madridejos, malaki ang maitutulong nito para mas maging natural ang mga eksena nila sa serye.

“Makakatulong siya sa kuwento kasi hindi naman talaga magkakilala si Yaya saka si President, so gusto ko gamitin ‘yung hindi nila pagkakakilala para maka-create ng mga eksena na pag napanood mo, mangingiti ka,” sey ni Direk.

Dagdag pa niya, “‘Yun ‘yung magic. Naniniwala talaga ako na magki-click silang dalawa kasi parehas silang magaan katrabaho, parehas silang bubbly ‘yung personality.”

Reaksyon naman ni Sanya, “Na-excite ako dun sa sinasabi ni Direk na parang lumabas lang na natural, kasi ikaw ‘yan, kumbaga nung nakita mo siya ito ka.”

Samantala, nakiusap din si Sanya sa mga fans ni Marian Rivera na sana’y suportahan pa rin ang “First Yaya” kahit hindi na ang aktres ang bibida rito.

“Sa lahat po na sumusuporta kay Ate Yanyan, gusto ko lang pong sabihin sa inyo na kung ano man po siguro yung naging desisyon ni Ate Yanyan ay para sa ikabubuti ng pamilya niya.

“Siguro, bilang isang ina na mas pinili niya yung ikabubuti para sa mga anak niya, at dapat lang din siguro natin irespeto yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro, kung ako rin ang isang ina ay gagawin ko rin po siguro yun.

“Ang maipapangako ko lang po sa inyo ay gagawin ko po ang lahat para magawa ko po at mahalin niyo rin po ako bilang inyong Yaya Melody,” promise pa ng Kapuso sexy actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending