LJ may 3 lesson na natutunan habang nasa ‘online class’ si Baby Summer
PAMPA-GOOD vibes talaga ng maraming netizens ang mga paandar ng anak nina Paolo Contis at LJ Reyes.
Marami kaming nakakausap na tuwang-tuwa at aliw na aliw daw sila kapag pinapanood ang mga video ni Baby Summer, lalo na ang mga kulitan at iba pang bonding moments nila ng amang si Paolo.
Nagkakaisa sila sa pagsasabing nawawala kahit paano ang lungkot na nararamdaman nila dulot ng kanilang mga problema.
Anila, mabisa raw gamot sa anxiety at pangungulila ang mga nakatutuwang video ni Summer sa social media accounts nina Pao at LJ.
Nito nga lang nakaraang araw, muling nagpasabog ng good vibes si Baby Summer dahil sa bagong paandar video na ipinost ni LJ sa Instagram.
Makikita sa video si Baby Summer na umaakting na kunwari’y nasa online class siya gamit ang cardboard laptop na iniregalo ng kanyang Kuya Aki.
Sa caption ng Kapuso actress, inisa-isa niya ang tatlong lesson na natutunan niya habang pinanonood ang bunsong anak.
Dito, binigyang-pugay din ni LJ ang mga teacher na triple ang effort ngayon sa pagsasagawa ng online classes. Aniya, hindi biro ang ginagawa nilang sakripisyo para sa kanilang mga estudyante.
“1. Kahit nahihiya ka, always go for it with grace!
“2. Minsan talaga hindi fit satin ang mga bagay, pero we should keep on trying!
“3. Kelangan talaga naiisip din natin kung nakakakain ba mga teachers natin nang maayos dahil matindi ang sacrifice at effort nila sa new normal school setting natin!”
Marami naman ang um-agree kay Mommy LJ na nagsabing “struggle is real” kabilang na riyan ang mga nanay na patuloy na nangangapa sa pag-alalay sa kanilang mga anak na naka-online learning ngayong panahon ng pandemya.
May nag-comment pa ngang isang mommy na para rin silang pumapasok sa paaralan ngayon bilang guro dahil kailangan din nilang gabayan ang mga anak na gumagamit naman ng modules sa bagong new normal ng pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.