Sesyon na naghalal kay Velasco bilang House Speaker, binansagang 'peke' ni Cayetano | Bandera

Sesyon na naghalal kay Velasco bilang House Speaker, binansagang ‘peke’ ni Cayetano

Karlos Bautista - October 12, 2020 - 04:20 PM

House Speaker Alan Peter Cayeta (kaliwa) at Lord Allan Velasco

Binansagan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isang “fake session” ang ginawang pagtitipon ng mga mambabatas  sa labas ng Kongreso at paghalal kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong pinuno ng Kamara de Representantes ngayong Lunes.

“Sobrang kalokohan ‘yung ginawa nila. You know in your hearts, it’s simply wrong,” ani Cayetano at tinawag pa niyang “fake session” lamang ang pagtitipon ng kampo ni Velasco sa Celebrity Sports Plaza.

“Congress is not a noontime show. Congress is not for entertainment. Congress is not a circus. It is the House of the people,” giit pa nito.

Ganundin, sinabi nya na ang ginawa nina Velasco ay lilikha ng “very, very disturbing precedent.”

“Kung ang theory nila basta may quorom anywhere they can meet, then that means at any point and any day I can bring 152 congressmen and do whatever I want in whatever part of the country,” ani Cayetano. “Kung valid yan, ‘Banana Republic’ na tayo.”

Nagtipon ang mga kaalyado ni Velasco sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City matapos lumabas ang isang manipesto na nananawagan na muling buksan ang sesyon sa Kongreso, ideklara na bakante ang posisyon ni Cayetano at ihalal si Velasco bilang bagong House Speaker.

Sa naturang pagtitipon, umabot umano sa 186 kongresista ang dumalo at bomoto kay Velasco bilang bagong pinuno ng Kamara.

Pero sinabi si Cayetano na hindi lehitimo ang sesyon na idinaos at hindi kikilalanin ng mababang kapulungan ang  aniya’y ilegal na paghalal kay Velasco bilang bagong House Speaker.

“I will not allow you to burn this House down. If you try to burn this House down, you will get one hell of a fight,” pahayag ni Cayetano.

Ayon pa sa kanya, ang anumang sesyon sa labas ng Batasan Complex ay dapat aprubado ng resolusyon gaya nang nangyari sa special session sa Batangas noong Enero sa kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi rin ni Cayetano na “napakadelikado” ng ginawa ng mga nasabing mambabatas at malinaw na labag sa  Saligang Batas ng bansa.

“Simple lang po ang pakiusap ko: Don’t throw the Constitution away. Don’t throw the Constitution into the waste basket,” wika ni Cayetano.

Sinabi rin ni Cayetano na nilabag ng kampo ni Velasco ang House Rules nang magtipon-tipon sa kabila ng health and safety protocols na itinatakda ng Inter Agency Task Force.

Siniguro niya na tuloy ngayong Martes ang pagdaraos ng special session na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipasa ang  2021 national budget bill.

Malinaw umano ang marching orders ng Pangulo na isaayos ang budget at walang pakialam sang Palasyo sa usapin ng sigalot sa speakership.

“The House of Representatives will hold a proper, orderly session tomorrow. The budget bill can be passed in 2 or 3 days provided the House majority supports it,” paliwanag ni Cayetano.

Nagbabala rin ito kay Velasco at sa mga kaalyado nito na huwag tangkaing gumawa ng kaguluhan sa budget deliberations dahil hindi umano niya ito pahihintulutan.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na hindi ito makikialam sa isyu ng Speakership sa Kamara at kung ano man ang gagawin ng mga mambabatas pagkatapos na maipasa ang 2021 budget.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi isyu kay Duterte kung sino ang maluluklok na lider ng Kamara at maging ang usapin ng term-sharing agreement ay usaping dapat umanong lutasin sa pagitan ni Cayetano at Velasco.

“Yung mga bagay bagay na yan, wala na yan. Wala na yan. I mean, bahala na sila dyan,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na “walang pinapanigan” ang Pangulo sa isyu ng liderato sa Kamara.

“To each his own. May the best man win for the speakership – after the budget passes in the House,” pagtatapos pa ni Roque.

Sa oras na matapos ang deliberasyon ng budget ay inaasahan na magkakaroon ng girian sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero para kay Cayetano, ang hindi pagtanggap ng mayorya sa inihain niyang pagbibitiw noong Setyembre 30 ay patunay lamang na “moot and academic” na din ang term-sharing deal nila ni Velasco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending