Kris Bernal hate na hate ang ulan: Ang sakit-sakit kasi sa akin! | Bandera

Kris Bernal hate na hate ang ulan: Ang sakit-sakit kasi sa akin!

Ervin Santiago - October 12, 2020 - 02:02 PM

AWANG-AWA ang Kapuso actress na si Kris Bernal nang madaanan ang mga stranded na commuter at bikers sa kalsada habang nagpapatila ng malakas na ulan.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hate na hate niya ang matinding tag-ulan lalo na kapag napapadaan siya sa ilang lugar sa Metro Manila.

Idinaan ni Kris sa kanyang Instagram page ang naramdamang kalungkutan at pagkabahala nang makita ang kaawa-awang kundisyon ng mga pasahero, bikers at delivery riders nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Aniya sa caption ng isang video na ibinahagi niya sa IG kung saan makikita ang mga na-stranded na Pinoy sa isang lugar na dinaanan niya, “Motocyclists, bikers, commuters have the hardest time.

“And when the rain gets out of hand, it’s a struggle to find shelter under the nearest bridge, tree, or shop.

“Cars also tend to splash water on them sometimes unintentionally. It can make driving more dangerous,” pahayag ng dalaga.

Dagdag pang hugot ni Kris, siguradong mas marami pang Pinoy ang naaapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila kabilang na riyan ang mga nakita niyang street children.

“It creates inconvenience and at worst it can cause floods which imperil lives, livelihood, and homes. The street children are catching colds.

“Don’t get me wrong, I also understand why others love it and why we need it! Haaay! This is just me hating the rain! Ang sakit-sakit sa akin!

“Hands down and salute to those who conquer the dangers and hassle of the rain for their jobs!” paliwanag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling bahagi ng kanyang caption, inamin din niya ang isa pang dahilan kung bakit hindi niya feel kapag umuulan.

“Another reason I loathe the rain is it affects a lot of people’s moods. Rain makes me sad. Rain makes me lazy. My lifestyle and rain just don’t mix well,” diin ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending