Katrina, Wendell buking ang lihim; JoWaPao, Pokwang tuloy ang pamimigay ng 'ayuda' | Bandera

Katrina, Wendell buking ang lihim; JoWaPao, Pokwang tuloy ang pamimigay ng ‘ayuda’

Ervin Santiago |October 11,2020
facebook
share this

Katrina, Wendell buking ang lihim; JoWaPao, Pokwang tuloy ang pamimigay ng ‘ayuda’

Ervin Santiago - October 11, 2020 - 05:08 PM

NAGKABUKINGAN ng “lihim” sina Katrina Halili at Wendell Ramos nang sumalang sila sa lie detector test.

Kumasa ang dalawang “Prima Donna” stars sa hamon ng kasamahan nila sa serye na si Aiko Melendez at dito na nga bumandera ang katotohanang crush nila ang isa’t isa.

Sa latest vlog ni Aiko, ipinakita ang pagsalang nina Katrina at Wendell sa paandar niyang lie detector challenge. Aniya, “Kailangan kong malaman kung nagsasabi ka ng totoo. Easy question lang naman ito.”

First question ni Aiko kay Katrina, “Gusto mo ba akong makatrabaho?” Sagot nito sa kanya, “Oo, sis, natuwa ako nu’ng nalaman kong ikaw ang makakasama ko.”

Ligtas si Kat sa lie detector sa kanyang sagot. Tanong naman ni Aiko kay Wendell, “Excited ka ba dito sa role mo bilang Jaime dito sa ‘Prima Donnas’?”

“Of course,” tugon ni Wendell pero nakuryente siya sa lie detector. Kaya hirit ni Aiko, “Hindi ka excited.”

Sagot naman ng aktor, “Excited ako. Siguro excited ako in a way pero, explain ko na lang, baka hindi ako ganu’n ka-100 percent. Ang hinihingi niya siguro (lie detector) is 100 percent. So, ang may problema dito ay yung tanong mo.”

Ang sumunod na tanong ni Aiko kay Wendell, “May crush ka ba kay Katrina Halili?” Mabilis na sabi ng aktor, “Siyempre, wala!” na hindi uli tinanggap ng LD.

Agad na nag-explain si Wendell, “At first wala po, nung panahong nasa Starstruck siya. Pero nung tumatagal, meron naman na. Hindi n’yo naman ako binigyan ng chance na mag-explain.”

Nang tanungin naman si Katrina kung may crush siya kay Wendell, nakuryente rin siya nang sumagot ng, “Wala po.”

* * *

Back-to-back na kasiyahan na naman ang hatid ng TV5 comedy game shows na “Fill in the Bank” at “Bawal na Game Show” sa bago timeslots simula ngayong linggo.

Bibida sa “Fill in the Bank” sa Okt. 12 ang mga “Iskolar ng Bayan” na magpapamalas ng galing sa pag-iimpok kasama ang guest co-host na si Tuesday Vargas.

Sa Okt. 13 at 15, guest co-host naman si Benjie Paras na makikipagkulitan sa “Fill in the Bank” hosts na sina “Manedyer” Jose Manalo at “Madam Poky” Pokwang.

Bank tellers ang bida sa Martes, Okt. 13, na maglalaban-laban para sa jackpot prize na P150,000. Sasabak sila sa Ayuda
Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

Biggest Losers naman ang tampok sa Okt. 15 na maglalaro sa masayang game rounds na Enter your Pin Code, Cheque or X, Gold Rush, at Huli Cash.

Kaya huwag palalampasin ang “Fill in the Bank” sa Lunes, Martes, at Huwebes, 7 p.m. sa TV5.

Samantala, mga tindero sa palengke naman ang magiging pasaway sa “Bawal na Game Show” ngayong Lunes, Okt 12.

Rappers at fliptoppers naman ang mga kalahok sa Okt. 13 na magbibigay-aliw kasama ang Ghorl Twins na sina Barby Ghorl Paolo Ballesteros at Bebe Ghorl Wally Bayola.

Sa Okt. 15 naman, mga anak ng artista ang magiging pasaway na dadaan sa maraming bawal: “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” at “Bawal ang Sumuko.”

Tampok sa nasabing episode sina Jennica Garcia, Alex Medina, Felix Roco at Karel Marquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makisaya sa back-to-back episodes ng “Fill in the Bank” simula 7 p.m. at “Bawal na Game Show” naman ng 8 p.m. tuwing Lunes, Martes, at Huwebes sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending