Hugot ni Bea sa pagiging malas sa lovelife: Mas gusto ko pa ring magmahal
KAHIT na ilang beses nang minalas at nabigo sa larangan ng pag-ibig hindi pa rin sinusukuan ni Bea Alonzo ang love.
Aminado ang Kapamilya actress na wala pa siyang swerte sa lovelife pero hindi pa naman siya umaabot sa salitang “trauma” at lalong wala naman siyang balak isumpa ang pakikipagrelasyon.
Hindi man diretsahang binanggit ni Bea, pero mukhang ang nasira nilang relasyon ni Gerald Anderson ang kanyang tinutukoy na umikot lang ang mundo niya sa ex-boyfriend.
Sa isang vlog, nakausap ng dalaga ang isa niyang BFF na si Enchong Dee. Dito inamin ng aktor na hindi niya personal na nadamayan ang kaibigan noong may pinagdaraanan ito.
Hindi naman daw nagtampo ang aktres sa mga kaibigan niyang wala sa tabi niya noong basag na basag ang kanyang puso.
Kahit nga raw ang nanay niya ay hindi niya makausap noong mga panahong yun at naiintindihan daw niya kung saan nanggagaling ang mga ito.
“Actually, even my mom was not there, kasi binigyan niya ako ng tough love.
“Parang she didn’t want me to be in that position, and yet pinilit ko na nandoon ako sa posisyon na iyon. Because sobrang naano ako ng pagmamahal ko,” paliwanag niya kay Enchong.
Pero kahit daw solo niyang hinarap ang pagsubok na yun sa kanyang personal life, nagpapasalamat pa siya dahil mas nakilala pa niya ang sarili.
“Actually, in a way, it helped me figure out who I am, and what I’m capable of. How tough I am, how much of a survivor I am.
“Because for years when I was in that position, in that relationship, I was questioning that already. Parang, ‘Am I a weak person? Am I that weak na parang I can’t live without someone?’” lahad pa ni Bea.
Pagpapatuloy pa niya, Doon ko na-empower ang sarili ko. May kanya-kanya tayong journey, and dapat hindi natin maliitin ang journey nung bawat isang tao.
“Puwedeng maliit sa iyo iyan at sa akin nung time na iyon, it was big. It was ruling my world,” aniya pa.
Sa lahat ng pinagdaanan niyang challenges, ayaw naman daw niyang maging singtigas ng bato. Okay na raw yung mas tumapang siya at mas naging independent.
“Actually, yun yung iniingatan ko, because iba yung strong sa tough. And I don’t want to be too tough. Dapat empowered lang.
“I still want to keep a little softness in me. Kasi that’s who I am,” chika pa ni Bea.
Kasunod nito, sinabi ng aktres na bilib na bilib siya kay Enchong dahil bata pa lang ay independent na ang binata at kaya nitong maging masaya kahit mag-isa lang.
“That’s what I lack, that’s what I’m trying to do, but ewan ko, maybe ganoon ako, e.
“Mas gusto ko nang nagmamahal, mas gusto ko to be in a relationship,” pag-amin pa ng Kapamilya star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.