Ai Ai, Lani, Christian mas magiging istrikto sa The Clash 3: Hindi lang ito pagalingan kumanta | Bandera

Ai Ai, Lani, Christian mas magiging istrikto sa The Clash 3: Hindi lang ito pagalingan kumanta

Ervin Santiago - October 09, 2020 - 06:53 PM

INABANGAN talaga ng Kapuso viewers kaya nag-trending ang premiere ng season 3 ng all-original musical competition ng GMA na “The Clash”.

Last Saturday, Oct 3, top-trending topic nationwide sa Twitter ang official hashtag na #TheClash2020.

Ayon sa mga netizens na sumubaybay sa pagbabalik ng “The Clash”, world-class talaga ang stage at opening performance na inihandog nina Clash Masters Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Journey Hosts Rita Daniela at Ken Chan, at ng Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.

Nagpabilib din ang mga unang Clashers na sumalang sa arena, at mula sa 30 ay 24 na lang ang natitira para maglaban-laban.

Ayon sa mga judges, this season, hindi lang ang galing sa pagkanta at karisma ang hahanapin nila sa mga Clashers.

Isasama na rin sila sa pagkilatis ang passion o drive ng contestant sa inaasam nilang pangarap na maging The Clash grand champion.

Ani Christian sa panayam ng GMA, “The weight of the world is on his or her shoulder and yet kaya pa rin niyang mag-compete to the best of their ability.”

Self-awareness naman ang factor na hahanapin ni Ai Ai, “’Yung self-awareness niya na kailangan na maging healthy ako all the way ng contest.”

Ayon naman sa Asia’s Nightingale, “Since nasa kumpetisyon nga at mayroon tayong sitwasyon na pandemic, dapat patuloy pa rin ‘yung drive mo. Dapat nandu’n pa rin ‘yung drive mo na gusto kong manalo at gagawin ko lahat.”

Ngayong weekend, tuluy-tuloy pa rin ang The Clash Round 1 with “Laban Kung Laban,” kung saan isa na namang batch mula sa Top 30 ang magso-showdown para makasungkit ng upuan sa Top of the Clash.

Ang mga magtatapatan ngayong Sabado at Linggo ay sina theater actress Princess Vire na sumali rin sa nakaraang season; Kenan Quitco, a professor and coach of the UST Volleyball Team; Kelly Garcia, accountant Shannen Montero, Kelcey Palileo at Jonas Arevalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapabilib din kaya nila sina Ai Ai, Christian at Lani? Anu-ano naman kayang mga pasabog na twist ang nag-aabang sa kanila ngayong season 3?

Huwag palalampasin ang “The Clash Season 3” tuwing Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) sa GMA sa direksyon ni Louie Ignacio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending